^

PSN Opinyon

‘Tulong Lunas’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA PAGBABALIK-TANAW sa taong 2014, isang nakatutulong na inumin sa mga karamdaman ng mga taong may mga malubhang sakit ang umano’y natulungan ng isang ‘food supplement’ na galing sa mga iba’t-ibang ugat mula sa ating luntiang kapaligiran.

Naisulat sa aming pitak ang mga testimonya ng mga taong sa kanilang paggaling ay natulungan sila ng isang food supplement, ang REH King’s Herbal.

Dahil dito maraming text at tawag kaming natanggap na mga katanungan ukol dito. Upang masagot ang mga ito minabuti naming makapanayam sa aming programa  sa “Hustisya Para sa Lahat”  sa Calvento Files sa Radyo ang taong nasa likod ng REH King’s Herbal na si Ka Rey Evangelista Herrera at ibinahagi niya kung paano niya natuklasan ito.

“Mainam pa ang bilanggo nagbibilang ng araw para makalaya, samantalang ako nagbibilang ng araw bago mawala sa mundo,” wika niya.

Katulad ng ibang may malubhang karamdaman, si Ka Rey ay dumating din sa punto na mawalan ng pag-asa nang dahil sa malubhang sakit.

Diabetes at high blood noong una ang kanyang karamdaman. Ayon sa kanya tuwing tataas ang kanyang blood sugar apektado ang kanyang paningin. Malabo na ito na halos hindi na umano siya makakita at apektado rin ang kanyang pagkilos. Halos limang taon siyang uminom ng gamot para dito.

Taong 1994 nang malaman niya na siya ay may lymphoma cancer, stage 4. Pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpa chemo theraphy. Pero dahil noon ang tanging pinagkukunan niya lang ng pera ay ang pagtitinda ng mga gulay, wala siyang kakayahang tustusan ang kanyang pagpapagamot kaya minabuti niyang umuwi na lamang sa San Miguel, Bulacan upang doon hintayin ang kanyang kamatayan.

Huminto man siya sa pagbili ng mga gamut ay hindi naman siya tumigil na gamutin ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng mga natural na gamot mula sa bakuran ng kanyang tahanan.

Sa halos araw-araw umano na pagmamasid sa kanyang bakuran, nakita niya ang isang kambing. Inobserbahan niya kilos at ang mga kinakain nito.

“Nakita ko na malakas ang kambing, kaya minanmanan ko ito. Pero dahil hindi ko naman pwedeng kainin ang lahat ng kinakanin nito, minabuti ko na lang na kunin ang mga ugat at ilaga,” kwento niya.

Simula noon sinubukan niyang inumin ang pinaglagaan ng 77 na klase ng ugat ng medicinal plants. Tatlong beses sa isang araw, 30 minuto bago kumain.

Matapos ang ilang araw na pag-inom ay nakaramdam na umano siya ng kaginhawahan. Kaya tinuloy-tuloy niya ito.

Hanggang sa naramdaman niya na unti-unti nang nawawala ang mga sakit na iniinda niya. Upang masiguro, nagpatingin uli siya sa doktor at ayon umano sa resulta ng pagsusuri ay wala na siyang kanser.

Naniniwala si Ka Rey na ito ay dahil sa kanyang natuklasan. Pinalakas umano nito ang kanyang resistensiya.

Sa kagustuhang makatulong sa iba, ibinahagi niya ito sa karamihan sa pamamagitan ng paggawa ng marami pa nito, binenta sa mababang halaga at tinawag niya itong “REH King’s Herbal”.

Marami ang kumwestiyon kung ito ba talaga ay nakakatulong sa paggaling ng mga may sakit. Kaya upang mabigyan ng matibay na pruweba ang mga tumutuligsa, pinuntahan ni Ka Rey ang mga pasyenteng inayawan na ng ospital ay hinamon niya ito ng ‘galing muna, bago bayad’.

Ilang araw niyang binantayan ang mga pasyenteng sinubukan ang food supplement. Ilan dito ay yung mga diabetic at may sugat ang paa at pinayuhan na ng doktor na putulin ito.

Pagkatapos umano ng pag inom ng ilang bote ng King’s Herbal ay natuyo ang sugat at hindi na tumaas ang blood sugar ng pasyente.

Mabilis na lumaganap ang tungkol dito. Sa kasalukuyan patuloy pa rin kaming nakakatanggap ng mga positibong testimonya mula sa mga sumubok nito.

Bukod sa dulot nitong mabilis na paggaling umano ng mga karamdaman, marami na rin ang natutulungan nito sa kanilang kabuhayan. Sapagkat maaaring kumuha ng whole sale sa kanila at ibenta ito sa ating mga kababayan.

Sa ngayon si Ka Rey ay 77 taong gulang na. Ayon sa kanya malaki umano ang pingkaiba ng itsura niya noong may sakit siya sa ngayon na patuloy siyang umiinom ng King’s Herbal.

Upang inyong makilala ang taong nasa likuran ng REH King’s Herbal,

pumayag si Ka Rey na ilathala ang kanyang litrato para naman makilala at pati na rin ang kanyang integridad ay maitaya sa kanyang natuklasang tulong-lunas.

“Noon, napakapayat ko. Matanda akong tingnan sa edad ko. Ngayon, parang nabawasan ang kulubot ng balat ko at napakalakas ko na. Hindi na ako madaling hingalin,” kwento niya.

Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected].

(KINALAP NI I-GIE MALIXI)

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

KA REY

KANYANG

LEFT

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with