^

PSN Opinyon

Laging gamitin ang tamang pag-iisip

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAKING bagay ang laging nasa tamang pag-iisip. Maraming masasamang nagaganap kapag hindi ginamit ang ulo kahit saglit ng isang segundo lamang. Katulad ng mga tumitingin sa cell phone habang nagmamaneho. Kahit sandali lang ay sapat na para maaksidente, o mas masama, madisgrasya nang malubha. Kailangan rin ang utak para sa sentido komon. Tulad ng insidenteng ito. Ano ba ang mas masama, mabigyan ng tiket dahil nahuling lumalabag sa batas-trapiko, o makapatay ng taong may otoridad dahil ayaw matiketan? Madali ang sagot, hindi ba? Pero ganun pa man, iba ang inisip ng nagmamaneho ng SUV na kumaladkad sa MMDA traffic enforcer na sumita sa kanya. Para sa kanya, hindi na bale ang makaladkad ang enoforcer, huwag lang siya mabigyan ng tiket.

Namatay na si Sonny Acosta, ang MMDA traffic enforcer na kinaladkad umano ng isang Isuzu Sportivo na kanyang sinita sa EDSA, Cubao. Limang araw rin siyang nasa ICU bago binawian ng buhay. Ayon sa mga testigo, nagkunwaring ibibigay ng drayber ng SUV ang kanyang lisensya, pero biglang isinara ang bintana at doon naipit ang kamay ni Acosta. Nakaladkad siya hanggang sa natanggal ang kamay sa bintana. Duguan siyang nakita ng kanyang mga kasama.

Sa isip siguro ng drayber ng SUV, mas mabuti na ang makapatay ng traffic enforcer kaysa sa ibigay ang kanyang lisensiya at matikitan. Paano mo nga naman mapapaliwanag kung bakit hindi na lang ibinigay ang lisensiya, magbayad ng multa at matapos na. Mas ginusto ang takasan ang opisyal, at nang nakitang naipit na ang kamay, mas lalong inisip na tumakas na lang. Mas ginusto ang makulong, kung mapatunayang may kasalanan, kaysa magbayad na lang ng multa kung ibinigay ang lisensya. Mas ginusto ang dumaan sa paglilitis sa korte, kaysa mag seminar kung sakali. Mahirap intindihin, hindi ba?

Sa totoo lang, marami ang ganito mag-isip. Hindi iniisip ang mas madaling solusyon, at gagawin ang may mas mabigat na resulta. Tulad ng mga nahuhuling drug mule, mga nabubuntis na wala sa oras o plano, mga mandaraya sa paaralan na nahuhuli’t natatanggal, mga nawawalan ng daliri dahil pilit na nagpapaputok tuwing bagong taon. At tulad nito, mga ayaw magpahuli sa MMDA. Tiket, o buhay? Ngayon alam na niya kung ano ang dapat ginawa. Ngayon, baka makulong pa siya.

ACOSTA

ANO

AYON

CUBAO

ISUZU SPORTIVO

MAS

NGAYON

SONNY ACOSTA

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with