^

PSN Opinyon

VFA repasuhin, rebisahin na

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT nang repasuhin at amyendahan ang Visiting Forces Agreement (VFA ng Pilipinas at Amerika lalu na ang tungkol sa mga American servicemen na nakagagawa ng krimen sa ating bansa.

Alam na nang lahat ang kasong murder na kinasangkutan ng US serviceman na si Marine Pfc Joseph Scott Pemberton ng Estados Unidos. Iginigiit ng Amerika na  manatili ito sa kanilang kustodiya kahit may warrant nang inisyu ang korte para siya arestuhin.

Si Pemberton ay akusado sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jennifer “Jeffrey’’ Laude sa Olongapo City noong Oktubre. Ayon kay US Ambassador Philip Goldberg, pinadalhan na nila ng abiso ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa kanilang intensiyon na manatili sa kanilang kustodiya si Pemberton.

Mayroon nang inisyung warrant of arrest si Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde laban sa akusadong US Marine Sergeant.

Saan mang anggulo silipin, ito’y isang pagyurak sa sariling batas ng Pilipinas. Hindi bale siguro kung maliit na krimen lang ang kinasangkutan ng Amerikano, pero ito’y pagpaslang sa isa nating kababayan. Ano man ang kasarian ni Laude, bakla man, tomboy, lalaki o babae ay hindi isyu. Ang usapin ay, isang kababayan natin ang pinatay ng isang dayuhan.

Sa bisa ng VFA, puwedeng hilingin ng pamahalaan ng Pi-lipinas ang kustodiya sa American serviceman na nahaharap sa kasong kriminal. Gayunman, maaring magdesis­yon ang gobyerno ng Estados Unidos kung pagbibigyan o ibabasura ang nasabing kahilingan. Ha?!  Tayo pa pala ang hihiling at puwedeng ibasura ang ating kahilingan ng Amerika!!!

Baliktarin natin ang pangyayari. Kung isang Pilipino kaya ang makagawa ng katulad na krimen sa Amerika, maaari kayang igiit ng pamahalaan na kunin ang Pilipinong suspek sa kustodiya nito? Tiyak kong hindi papayag ang Amerika.

Kaya tama ang  mga argumento na dapat nang sumailalim sa pag-amyenda ang kasunduang ito.

vuukle comment

AMBASSADOR PHILIP GOLDBERG

AMERIKA

ESTADOS UNIDOS

JUDGE ROLINE GINEZ JABALDE

MARINE PFC JOSEPH SCOTT PEMBERTON

MARINE SERGEANT

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT

PILIPINAS

SI PEMBERTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with