^

PSN Opinyon

Dobleng anyo ng katarungan?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTO kong dumalo si VP Jojo Binay sa ginaganap na pagdinig sa kanyang kaso sa Senado. Sabi ko nga, paraan iyan para depensahan niya mismo ang sarili kung wala siyang sala talaga. Pero may rason siya kung bakit inisnab niya ang paanyaya ng mother committee na Senate Blue Ribbon. Bagamat may nagsasabing sinayang ni Binay ang oportunidad na “linisin ang pangalan” may nagsasabi rin na hindi siya masisi sa kanyang di pagdalo sa hearing.

Para sa Bise Presidente, double standard of justice ang ipinaiiral ni Senator Alan Peter Cayetano sa hindi niya pagtanggap sa dahilan ni Binay kung bakit ayaw niyang dumalo sa hearings ng Senate Blue Ribbon sub-committee. Ayon kay Binay, nahusgahan na siya ng naturang komite kung kaya siguradong kukuyugin siya at mababastos lang ang Office of the Vice President kung lilitaw siya sa tinagurian ng oposisyon na   “kangaroo court.”

 Totoong si Sen. Cayetano mismo ang dumepensa noong 2010 kay Nacionalista Party (NP) presidential candidate Manny Villar  sa pagtanggi ng huli na humarap sa Senate Committee of the Whole na binuo para siyasatin ang C-5 road scandal.

Wika nga, si Cayetano ang pinaka-“abogado” sa pagtanggi ni Villar na humarap sa imbestigasyon sa mga kalyeng ipinagawa niya patungo sa mga subdivisions ng Camella Homes?

 Tingnan n’yo nga naman ang sinasabing “sudden twist of fate.” Kung ano ang sinasabi ngayon ni Binay at ng kanyang kampo ang siya ring sinasabi noon ni Cayetano: Na-prejudged na raw ng mga kapwa nila senador si Villar kung kaya mas mainam na sa korte na lang harapin ng NP standard-bearer ang alegasyon laban sa kanya.

 Heto ang exact quotation mula kay Cayetano noon: “Hindi po totoo na duwag ang isang tao porke namimili siya ng venue. “Meron tayong korte, may civil courts.”

Tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Ano naman ang pinagkaiba ng rason ni Villar at ni Binay?” Kung mayroon man, ang inaakusa kay Binay ay paglustay sa pondo ng bayan samantalang ang kay Villar noon ay pagsasamantala sa kapangyarihan para sa sariling interes. Sa ganang akin, pareho ang bigat ng anomalyang iyan. Dapat i-review natin ang mga pinagsasabi ng mga pinagpipitaganan nating lawmakers para malaman ang consistency ng kanilang paninindigan. Kung walang consistency, ang nakikita natin ay “pure politicking.”

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAMELLA HOMES

CAYETANO

JOJO BINAY

KUNG

MANG GUSTIN

MANNY VILLAR

SENATE BLUE RIBBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with