^

PSN Opinyon

Tayo na sa kasalan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

GINUGUNITA natin ngayon ang kaarawan ng ating mga ninuno (Indigenous People Sunday) na nabibilang sa mga mahihirap sa ating bansa. Tulungan natin ang mga nagugutom, nauuhaw at may karamdaman.

Ang bundok ng Sion ay simbolo ng ating simbahan sa ngayon. Inaanyayahan tayo ng Panginoon sa isang piging ng masasarap na pagkain, inumin at papawiin ang kamatayan. Ang ating lingguhang pangingilin sa ating simbahan ay isang pagdalo sa kasalan ni Hesus. Naghanda ang mahal na Ama at inanyayahang dumalo sa masaganang piging: “napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging.”

Ang kasalan ay dakilang tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay paghahanda ng dalawang pamilya. Isang kaligayahan at dangal ang maimbita sa isang kasalan. Kaya naman lubusan din ang paghahanda ng bawa’t isa lalo na sa damit na kanilang isusuot bilang tanging bisita sa piging. Napakasakit sa naghanda ang tanggihan ang kanyang paanyaya. Ang lingguhang pagdiriwang ay labis na ikinalulungkot ng ating Panginoon sa tuwinang pagwawalambahala natin sa pagdalo sa Kanyang piging. Ang araw ng linggo na itinalaga ni Hesus at araw din ng pagbaba ng Espiritu Santo ay araw ng ating pagpupuri at pasasalamat sa ating Diyos Ama na lumikha sa atin.

Ang pagdalo sa kasalan ay nagsisimula sa pagha-handa at pag-aayos ng damit na isusuot upang maging  kalugud-lugod sa ikinasal. Sa kasalan ni Hesus dapat tayong maglinis ng ating puso upang maging karapat-dapat sa pagdulog sa hapag kainan. Sino kaya sa ating mga Kristiyano ang lubusang nakikisama sa lingguhang pagdiriwang sa kasalan ni Hesus? Sino naman kaya sa atin ang maraming dahilan na pinagwawalambahala ang pagdalo sa piging ng Panginoon? Baka naman miyembro ka ng mga Kristiyanong PPP. Nakikipagdiwang sa simbahan tuwing Pasko, Pista at Patay.

Paghandaan natin tuwina ang lingguhang pagdiriwang sa ating Simbahan. Sama-sama tayong magpuri sa Diyos, magpasalamat sa biyaya ng buhay at higit sa lahat ang paghingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.

Isaias 25:6-10a; Salmo 22; Filipos 4:12-14, 19-20 at Mateo 22:1-14

ATING

DIYOS

DIYOS AMA

ESPIRITU SANTO

FILIPOS

HESUS

INDIGENOUS PEOPLE SUNDAY

PANGINOON

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with