^

PSN Opinyon

Mortal Blow

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KITANG-KITA at dinig na dinig sa televised Senate Hearing noon Miyerkules ang kawalan at kakulangan ng paliwanag ni PNP Chief Alan Purisima sa mga paratang laban sa kanya. Ang ugat ng kontrobersya sa mga isyu na konektado sa kanyang SALN – ay ang hindi maipaliwanag na pinanggalingan ng kanyang magagarang mansyon, poultry farm, gravel and sand hauling business at mga mamahaling sasakyan na talo pa ang top business executive. Kwestiyonable din ang valuation ng mga properties na inilagay sa SALN  - halimbawa ang tinatayang at least P50 million na halaga ng farm ay P3.7 million lang ang deklarasyon. Problema rin na may mga ginagamit itong mamahaling sasakyan na hindi rin naitala sa SALN.

Problema rin para sa marami ang pagtanggap niya ng mahigit 50% discount sa presyo ng biniling SUV sa isang Toyota Dealer. At siyempre, ang pagdonasyon ng mga pinagpalang kontratista ng halagang P11 Million na Official residence ng PNP Chief. Hindi lang ang posibleng kriminal na pananagutan ang nakakabahala sa mga inasal ni Purisima. Higit dito ay ang magiging impact ng kanyang pag-aasta sa moral recovery program ng Presidente. Ang kanyang patuloy na paggiit na 9 out of 10 ang kanyang evaluation sa sariling performance ay pruweba na hindi nito iniinda ang anumang kritisismo laban sa kanya. Nainis nga ang magiting na Senadora Grace Poe sa paliwanag ni Purisima -- wala raw siyang pinatatayong bahay dahil matagal nang nakatayo ang bahay. “Namimilosopo pa” ani Senadora.

Si PNP Chief Alan Purisima ang magpapalibing sa kampanya ni PNoy tungo sa matuwid na daan. Ito ang masaklap na katotohanan. Ang desididong pagkilos ni P-Noy na pagbayarin ang kanyang mga kalabang pulitikal, tulad ng ginawa sa tatlong Senador na pinakulong, ay malinaw na hindi natin makikita kay Purisima. Patuloy pa niya itong dinidepensahan at pinawawalang sala. Nabulag na yata ang Presidente ng kanyang loyalty. Pihadong ito ang dahilan kung bakit “no worries” ang ugali ng PNP chief sa harap ng patong-patong na kontrobersyang inihahain laban sa kanya.

CHIEF ALAN PURISIMA

HIGIT

KANYANG

PROBLEMA

PURISIMA

SENADORA GRACE POE

SENATE HEARING

TOYOTA DEALER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with