^

PSN Opinyon

EDITORYAL - OK ang 4 na araw na pasok sa gov’t

Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG ideya ang naisip ng Civil Service Commission na gawing apat na araw na lamang ang pasok ng government employees sa Metro Manila. Ganunman, sinabi ni CSC Chairman Francisco Duque na hahaba ang oras ng mga empleyado sa apat na araw na may pasok. Papasok umano ng alas otso ng umaga at uuwi ng alas siyete ng gabi. Nakasaad sa resolusyon ng CSC na mula Lunes hanggang Huwebes ang pasok ng mga empleyado o di kaya’y Martes hang­gang Biyernes. Ayon sa CSC, ititigil nila ang implementasyon nito kapag hindi naging epektibo. Pag-aaralan daw nilang mabuti kung talagang nakakatulong ito sa pagpapaluwag ng trapik sa Metro Manila.

Ang mabigat na trapik ang naging batayan ng CSC para ipatupad ang apat na araw na pasok. Natuwa naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ginawa ng CSC. Natitiyak daw ng MMDA na malaki ang magagawa sa trapiko ng apat na araw na pasok. Mababawasan ang mga pasahero at ang resulta, walang trapik. Mararanasan ng mga motorista sa buong buhay nila na makatikim ng isang araw na hindi maiipit sa trapik, partikular sa EDSA, España Blvd., Roxas Blvd. at Taft Avenue.

Sa aming paniwala, hindi lamang ang trapik ang masosolb ng resolusyon kundi malaki rin ang maitutulong nito para makatipid ang bansa. Kung apat na araw ang pasok, makakatipid sa kuryente at tubig ang bawat tanggapan. Makakatipid din sa pag-hire ng mga guwardiya dahil walang babantayan sa ika-limang araw.

Tama lang naman talaga na maging apat na araw ang trabaho ng government employees sapagkat karamihan din naman sa kanila ay kakaunti o halos walang ginagawa habang nasa opisina. Sa kawalan ng ginagawa ay marami sa kanila ang nagkukuwentuhan lang at nagpapatay ng oras. Mayroong halos naghihintay lang ng lunch break at meryenda gayung wala pa namang natatrabaho. Mayroon namang naghihintay lang ng a-kinse at a-trienta.

Okey ang apat na araw na pasok. I-push na ito! Ituluy-tuloy na ‘to!

 

APAT

ARAW

CHAIRMAN FRANCISCO DUQUE

CIVIL SERVICE COMMISSION

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASOK

ROXAS BLVD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with