ALAM n’yo bang hindi na safe ngayon ang tinatawag na electronic banking o E-banking?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mayor Jonathan Tan ng Pandan, Antique; Commodore Aurelio Rabuza Jr., Fr. Albert Payoyo, Judge Lito Villarosal ng Makati RTC, Sis Jona Perlas, James Cuaton at Jonathan Coronia.
Alam n’yo bang nasimot ang pera sa banko ng isang executive ng isang broadcasting company nitong nakalipas na weekend?
Ayon sa aking bubwit, nagtataka ang radio executive kung bakit hindi agad inaksiyunan ng isang malaking banko nang ireport niya ang unusual transaction sa kanyang bank account thru E-banking.
Napansin niya ang kakaibang withdrawal sa kanyang account noong Sabado dakong 10:30 ng gabi. May nag-withdraw sa kanyang account ng P100,000 at ipinasok ang account sa Dragon Pay.
Nang mapansin ng biktima na hindi niya transaction at matapos i-verify din sa kanya ng banko thru text message ang nasabing withdrawal, ito ay kaagad niyang pina-hold.
Ang malungkot na pangyayari, ‘yung time pala ng illegal transaction ay maintenance period ng banko. Kaya ang nangyari mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng alas-9:00 ng umaga ay nasimot na ng hacker ang kanyang pera sa banko. Paggising niya, zero balance na ang kanyang account.
Kaya babala sa mga may E-banking transaction, ingat kayo o bumalik na lang kayo sa regular na pagbabanko baka madale rin kayo ng mga hacker at masimot ang inyong pera.
Ayon sa aking bubwit, ang biktima ng bank hacking na nakuhanan nang mahigit kalahating milyong piso ay executive mismo ng Manila Broadcasting Company.