Vice President of the Philippines my Philippines
MATINDI ng gumagapang ang mga politikong may interes tumakbo sa 2016 Presidential Election kaya naman umoorbit na ang ilan sa mga ito para pasyalan ang ilang probinsiya at lokohin este mali suyuin pala ang madlang botante sa mga kanayunan at himukin para utuin na iboto sila kung sakali lumutang ang pangalan nila kapag sila ang napili sa partido oras na lumakas sila sa mga gagawin survey.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinakapa ng mga siguristang politikong bolero ang pulso ng ‘voting people’ para sa kanilang ambisyon politika sakaling sila ang mapili ng kanilang partido para isabong este ilaban pala sa kanilang makakalaban sa 2016 Presidential Election.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mga barangay daw sa mga probinsiya ang una nilang kinukulit at kinukuliglig para malaman nila ang pulso ng masa sa lugar ng mga ito? Hehehe!
Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba ang istilo ng mga kamoteng politikong gustong tumakbo sa elliptical circle este sa eleksyon pala dahil nagtatanga-tangahan sila kasi nga ayaw muna nilang magpahalata habang nagsasagawa ng pagsusuri ang kanilang mga asungot para malaman ang lakas nila sa madlang botante sa lugar na pinuntahan nila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi muna gumigimik meaning ‘sumasayaw, tumutula o kumakanta’ ang politikong mambobola este mali tatakbo pala kundi nakikiramdam o inaamuy-amoy muna nila ang lugar kung kakagatin sila ng mga botante rito oras na tumakbo sila sa 2016 Presidential Election.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, target daw ng mga gustong tumakbo na maging pangalawang panggulo este mali pangulo pala ng Philippines my Philippines kaya habang ‘maaga’ ay omoorbit na sila sa iba’t-ibang lugar.
Abangan.
Bidding para sa DOTC/LTO IT provider
NAGHAHANDA ang mga kumpanyang sasali sa subastahan blues para sa computerization program ng LTO at para maging IT provider nito.
Bakit?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paso na kasi noon pa ang kontrata ng STARDCOM, IT provider ng LTO noon hanggang ngayon kaya kailangan na silang palitan dito kaya tuloy marami ang nagtataka kung bakit na extend pa ang kontrata nito sa Land Transportation Office. Ano kaya ang masasabi rito ni ‘tabako?’
Dalawang taon na ang nakaraan ng may manalong bidder sa kalokohang palaro este mali pasubasta pala ng DOTC para sa computerization program ng LTO pero ang lowest bidder pero hindi ini-award ang contract sa nanalong kumpanya kaya muling ibinigay ito sa STRADCOM.
Ngayon ay muling may dayaan este mali subastahan na gaganapin natutuwa sa galak ang mga kasali pero ang hindi nila alam ay plantsado na ang lahat?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, two years ago P1 million ang halaga ng bid form dahil alaws nga kontratang ibinigay kumita ang DOTC pa noon sa bidding form pa lang?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa subastahan blues na darating parang kinikinita na ng mga kamote kung sino ang mabibigyan ng kontrata.
At ang mawawalan tiyak mag-iiyakan. Hehehe!
Abangan.
- Latest