^

PSN Opinyon

Sorry

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

WALANG nagawa si  Davao City Police Office director Sr. Supt. Vicente Danao, Jr. kundi ang magpakumbaba at humingi  ng apology sa tatlong reporters na binulyawan niya ng ‘get out!’ noong nakaraang Lunes nang ang mga ito ay nais sanang interbyuhin siya ukol sa update sa murder case ni Richard King, ang may-ari ng Crown Regency chain of hotels.

 Sa harap ng mga reporters dito na nagmula sa TV, radyo at maging sa print, binigkas ni Danao ang katagang ‘I am sorry’ at hindi nga raw niya sinadya ang nangyari at dala nga raw iyon ng kanyang wala pang tulog sa nakaraang tatlong linggong magkasunod na prominent cases dito sa Davao City.

 At ang pinakahuli nga ay ang pagpatay kay King sa loob ng kanyang sariling gusali sa Bo. Obrero dito noong Hunyo 12 na kung saan sinabi ni Danao na lublob sila sa trabaho upang mahuli ang salarin.

 Ngunit kahit ano pa ang katwiran ni Danao ay talagang hindi ‘yon excuse na bulyawan niya at pagalitan ang tatlong reporters nang ganun-ganun na lang.  Ang katwiran nga ni Danao ay dahil nga raw lumabas sa media ang pangalan ng mga ‘persons of interest’ sa King slay na kung tutuusin ay dapat confidential.

 Ngunit dapat ding isipin ni Danao ang naturang impormasyon ay nakuha ng mga reporters sa journal ng DCPO na nakalagay sa labas ng opisina nila na ibig sabihin ay puwedeng makuhanan ng info ng mga mamamahayag.

 Ngayon, naging malinaw na ang problema ay internal sa DCPO. Nakita naman ni Danao na ang may mali ay ang  mga tauhan niya kung bakit nga nakaabot sa media ang impormasyon na dapat ay confidential.

 Nangyari na ang lahat. Nagkabuyawan na at naging laman ng mga editorial ng mga pahayagan dito at maging ng mga local TV at radio broadcasts dito ang ginawa ni Danao.

 Dahil sa repercussion ng ginawa ng Danao, hayun at napilitan siyang magpakumbaba at mag-apologize.

 Ngayon naging leksyon ang nangyari para kay Danao. Ito ay isang leksyon na natutunan niya sa mahirap na paraan dahil nga nandun na nagkasakitan na at lumabas na rin ang iba pang issues tungkol sa kanyang pakikitungo sa media.

 Lesson learned the hard way, ‘ika nga.  Sana maintindihan na ni Danao ang ibig sabihin ng public service lalo na kung siya  ay isang police official.

 Hindi pupuwedeng bigkasin  ng mga opisyales na gaya ni Danao na ‘kayo na lang ang magpulis’ at ‘wala pa akong tulog’ kahit kanino at hindi lang sa media.

 Kung ganun man lang ang  katwiran ni Danao, ‘eh, ba’t pa siya nagpulis?’

CROWN REGENCY

DANAO

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE OFFICE

NGAYON

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with