^

PSN Opinyon

Produktibong mga taon

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang ang mga grade school, high school at college students ang dumadagsa pabalik ng paaralan nga­yong linggo. Maging sa mga professional schools tulad ng Law and Medicine, pareho ding eksena ang nagaganap. Sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Law,  sinalubong din ang bagong mga freshman bago mag-uumpisa ang apat na taong kalbaryo patungo sa kanilang pangarap maging abogado.

Ang isang obserbasyon ng mga deans at administrators ng law schools ay tugmang tugma ang panahon at ang mga usaping panlipunan sa mga papasok sa abogasiya. Ito lamang nakaraang taon ay itinayo ng RH Law ang haligi ng reproductive health sa bansa, isang isyu na patuloy na mangangailangan ng paglinaw at paghimay. Ganito rin ang sitwasyon sa nilinaw nang Cybercrime/cyberlibel law. Marami ring mga kontrobersya na bagamat napagpasiyahan na ng ating mga kinatawan sa Kongreso ay nananatili pa ring nakabinbin sa kandungan ng Supreme Court – nariyan ang DAP, ang EDCA, ang isyu ng influence peddling sa mga hukuman. At nariyan din ang mga isyung legal na sa larangang iba pa sa Supreme Court mapapag-usapan. Tulad ng international issue ng West Philippine Sea at ng mga imbestigasyon ng DoJ, Ombudsman at Senate Blue Ribbon Committee sa PDAF.

Bawat mamamayan ay may karapatang pag-usapan at pag-isipan ang mga higanteng isyung ito na sadyang nakakaapekto sa lahat. Ang propesyon ng batas ay narito hindi lamang upang ipaglaban ang inyong mga karapatan, nandito rin kami upang sumuri, magtanong, humamon at magpaliwanag sa lipunan ng mga mahirap intindihing probisyon ng batas.  Ang mga argumento ng abogado ang nagsisilbing panghinang at panghimay sa mga kumplikado at sensitibong mga kwestiyon na tutulong sa mas ma­talinong pag-unawa dito.

Sa lahat ng mag-uum­pisa at bumabalik sa kani- kanilang napiling paaralan – maging ano man ang inyong kurso – binabati po namin kayo.

Nawa’y maging produktibo ang inyong mga nala­labing taon bilang mga estudyante tulad ng pagiging produktibo ng inyong mga karera matapos magsi­pagtapos.

vuukle comment

BAWAT

COLLEGE OF LAW

CYBERCRIME

LAW AND MEDICINE

SA PAMANTASAN

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SUPREME COURT

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with