^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mauubos na ang forecasters

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang taon, umalis si Nathaniel Servando bilang PAGASA administrator at nagtungo sa Qatar para doon magtrabaho. Umano’y kinuha si Servando para maging weather spe­cialist at binigyan nang malaking suweldo. Bukod sa malaking suweldo, marami pang benefits na ipinagkaloob kay Servando.

Pero bago ang pag-alis ni Servando sa PAGASA, una nang umalis si weather forecaster Prisco Nilo na ngayon ay nasa Australia umano at kumikita nang malaki roon bukod pa sa napakaraming benepisyo. Si Nilo ay napilitang umalis sa PAGASA makaraang sabunin ni President Noynoy Aquino noong Agosto 2010 dahil sa hindi accurate na paghahatid ng report sa bagyong Basyang na tumama sa bansa noong Hulyo 2010 na nagdulot nang malaking pinsala.

Pero hindi na mapipigilan pa ang exodus ng forecasters sa PAGASA. Noong Linggo, tatlong forecasters pa ang umalis at nagtungo sa Qatar para maging weather specialist. Ang tatlo ay sina Ramon Agustin, Bernie de Leon at Ralph Rica­huerta. Ang tatlo ay kinuha ng Qatar Bureau of Meteo­rology bilang airport forecasters. Malaki umano ang suweldo ng tatlo at sagana rin sa benepisyo.

Maaaring maubos ang forecasters sa PAGASA kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno. Inire­reklamo ng forecasters na hindi pa nila natatanggap ang mga benepisyo anim na buwan na ang nakalilipas. Ipinangako raw ito noong nakaraang taon pero hanggang ngayon, hindi pa ibinibigay.

Kawawa ang kalagayan ng forecasters na dapat sana ay pagkalooban nang sapat na suweldo at benepisyo. Malaki ang papel ng forecasters sa pag-monitor ng mga bagyo at sama ng panahon. Ang bansa ay palaging dinadalaw ng mga bagyo taun-taon at paano kung magsipag-alisan ang mga forecaster? Kawawa ang mamamayan sapagkat walang magsasabi kung nasaan ang tatamang bagyo. Imagine ang ginawang pinsala ng Yolanda na iti­nuring na pinaka-mapaminsalang bagyo sa bansa.

Sana, pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng PAGASA forecasters para hindi na sila umalis ng bansa.

FORECASTERS

KAWAWA

MALAKI

NATHANIEL SERVANDO

NOONG LINGGO

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRISCO NILO

SERVANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with