^

PSN Opinyon

Hostaged!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Hindi na ito nakakatuwa. Umaabot na sa apat hanggang anim na oras mula sa isang oras lang ang brownout kada araw dito sa Davao City. Malaking problema ang dulot nang mahabang power outage at maraming negosyo ang naapektuhan at nalulugi dahil sa mahabang oras na walang kuryente lalo na sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Ganito nga ang nangyayari — na kung tutuusin ay may sarili pang stand-by power plant ang Davao Light and Power Company ngunit nakararanas pa rin ang siyudad nang mahabang power outage.

Nagbabala ang mga DLPC officials na hanggang anim na oras ang brownout ngayong Mayo dahil nga raw sa 120 megawatts lang ang binibigay ng National Power Corporation imbes na 280MW kada araw na allocation ng Davao City. Ibig sabihin malaki ang nawawala sa dapat na power supply para sa Davao City.

Nagrereklamo na ang mga negosyante dahil nga aabot sa ilang milyon din ang nalulugi nila kada oras na may brownout dito.

Ngunit heto ang kalagayan ng Mindanaoans, lalo na ng mga Dabawenyo — ang Davao Light and Power Company ay pag-aari ng AboitizPower Corporation na siya ring may ari ng standby-power plant dito.

AboitizPower din ang may-ari ng STEAG State Power Inc. coal-fired power plant na dapat ay nag-supply ng 210MW. Ngunit inaayos pa ang dalawang generating units ng STEAG ngayon kaya may 210MW ang nawawala sa Mindanao grid na nagpapalala sa power situation dito sa katimugan.

At heto pa—AboitizPower din ang may-ari ng Therma Marine Inc. na nagpapaandar ng dalawang power barges na nakabase sa Maco, Compostela Valley.

At higit sa lahat, AboitizPower din ang may-ari ng Therma South, Inc. na kasalukuyang ginagawa ang isang 645MW na coal-fired power plant dito sa Barangay  Binugao, Toril district dito sa Davao City.

Ang saya-saya ng AboitizPower. Para na ring hostage-taker ang AboitizPower dahil kahit saan man lumingon ay walang ibang makikita ang mga mamamayan dito sa Davao City at maging sa ibang bahagi ng Mindanao kundi AboitizPower.

Mahigpit ang control ng AboitizPower sa pangangailangan ng kuryente  sa bahaging ito ng bansa. Nasa kustodiya ng AboitizPower ang kahinatnan ng power situation sa malaking bahagi ng Southern Mindanao, lalo na rito sa Davao City.

At hindi na ito nakakatuwa.

ABOITIZPOWER

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO LIGHT AND POWER COMPANY

DITO

MINDANAO

NATIONAL POWER CORPORATION

NGUNIT

POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with