^

PSN Opinyon

Maayos na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA wakas, natapos na ang problemang dulot ng hostage-taking na naganap sa Quirino Grandstand noong Agosto 2010. Tinanggap na ng administrasyon ng Hong Kong ang paghingi ng tawad mula kay dating Presidente at ngayo’y Manila mayor Joseph Estrada sa kanyang pagtungo sa Hong Kong. Kasama ni Estrada si Sec. Rene Almendras na kumatawan sa Palasyo. Matapos ang pormal na pagtanggap ng paumanhin, agad tinanggal ng Hong Kong ang mga parusang ipinataw sa Pilipinas, partikular ang visa-free entry sa mga opisyal ng gobyerno, at tinanggal na rin ang “blacklist” sa mga taga-Hong Kong na gustong bumisita ng Pilipinas.

Hindi nawala ang pagtalakay ng pera, o danyos ika nga, para sa mga kamag-anak ng mga namatayan at mga nasaktan sa insidente. May matatanggap na pera ang bawat pamilyang namatayan at mga nasaktan. Nakalap ang mala­king halaga mula sa iba’t ibang sektor, kasama ang ilang pribadong grupo at indibidwal. Ayon kay Estrada, balik na sa normal ang lahat. Inabot din ng halos apat na taon ang problemang ito. Inasahan din ng gobyerno ng Hong Kong na aayusin ng Pilipinas ang seguridad para sa mga turista, nang hindi na maulit ang ganitong insidente. Malaking dagok sa administrasyon ni Aquino ang naganap na hostage-taking. Ilang buwan pa lang nakaupo si P-Noy nang maganap. Sana nga ay maraming matutunan ang lahat, lalo na ang PNP, pati na ang media sa insidente. 

Nakahinga na rin ang maraming OFW sa Hong Kong. Nang maganap ang insidente, sila ang unang naging pakay ng mga pinaplanong parusa. Noong nagaganap ang diskusyon at pag-uusap hinggil sa insidente, hindi alam ng mga OFW kung ano na ang mangyayari sa kanila. May mga nagsabing hihigpitan ang pagpasok sa mga OFW. Pati na ang visa para sa lahat ng Pilipino, maging opisyal ng gobyerno o pribadong mamamayan. Siguradong apektado ang turismo ng dalawang bansa kung sakaling nangyari iyon. Ang Hong Kong  ay kasing dali puntahan tulad ng Davao o Cagayan De Oro.  

Malapit na ring magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan hinggil sa pangingisda sa Balintang Channel, na nasa pagitan ng dalawang bansa. Naplantsa rin kasi ang gusot sa relasyon ng dalawang bansa, matapos barilin ng ilang miyembro ng Philippine Coast Guard ang isang barkong pangisda ng Taiwan. Napatay ang isang mangingisda sa barko.

Naayos natin ang relasyon sa Hong Kong, at Taiwan. Ang China na lang ang hindi pa maayos. Nais kasi ng China na mag-usap, habang may banta sa atin. Ayaw makipag-usap ng patas. Kaya wala tayong magawa kundi dalhin ang reklamo sa UN. Maganda kung magkaroon ng resulta katulad ng naganap sa pagitan ng Pilipinas, Hong Kong at Taiwan, hindi ba?

ANG CHINA

ANG HONG KONG

BALINTANG CHANNEL

CAGAYAN DE ORO

HONG

HONG KONG

JOSEPH ESTRADA

KONG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with