Political espionage
PARA sa mga oposisyon kada oras ay may nagmamanman sa kanilang mga kinikilos at maging sa kanilang mga pamilya dahil may tsismis na kumakalat sa barberya ni Mang Entong na bumili ang gobierno ng high-tech communications equipment ng Rohde & Schwarz from Germany worth US$3.4 million at ito ay aprobado ng DBM last 2012 pa.
Kinausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si United Nationalist Alliance Secretary general Toby Tiangco sa balitang kumakalat na sikretong minamanmanan ng malakanin este mali Malacañang pala ang bawat kilos ng mga opisyal ng Oposisyon pero ito ay hindi na niya ikinagulat.
Ikinuento ni Tiangco sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na two years ago pa nila itong nabalitaan na bumili ng hi-tech equipment ang palasyo at ito ang aparador este mali aparato pala ay ginagamit din ng US government sa kanilang counter-terrorism operation.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang aparatong binili ay para sa upgrading ng AFP para sa intel operations.
Ang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala pa sa Philippines my Philippines ang aparato ito ay parating pa lang sa August kaya ang tsismis ay malabong mangyari sa ngayon versus sa mga critics ng government?
Ang balita kasi ay nagresulta sa ‘negative’ sign sa mga lider ng oposisyon and partikular sa kanilang family.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang aparato ay kailangan para sa intel monitoring ng AFP - ISAFP.
Ibinida ni Tiangco, na paglaba este mali paglabag pala sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law, ang maaaring ipataw sa sinumang magtangkang mag-record sa anumang usapin ng sinuman, maliban kung ito ay may court order at banta ng terorismo na malalagay sa panganib ang Philippines my Philippines.
Sabi nga, tulad ng “Hello Garci†scandal.
Ayon kay Tiangco, mas malala ngayon ang aparatong ito dahil hindi mas malala diumano ngayon dahil pati mga anak ng mga kritiko ay titiktikan din?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Abangan.
NCRPO tulog sa foolish cops
GRABE at matindi ang operasyon ng jueteng sa Taguig at San Dionisio, Paranaque City dahil grupo ng foolish cops ang nagpapatakbo ng dayaan bolahan specially sa Taguig sa teritoryo ni Mayor Lani Cayetano.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sigurong tanungin ni NCRPO chief Valmoria ang kanyang intelligence unit kung sino ang foolish cop na nakapayong sa dayaan bolahan sa Taguig City.
Ang problema nga lamang kung magsasabi ng totoo ang intel unit ni Valmoria sa kanya?
Naku ha!
Mangyari kaya?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ilang metro lamang ang layo ng NCRPO headquarters sa lungga ng mga foolish cop sa Taguig City kaya imposibleng hindi ito nakakarating sa kaalaman ng intel unit ni Valmoria.
Bakit kaya?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Nonong, Philip at Tonying ang management ng jueteng sa Taguig.
Ika nga, isa sa tatlong gagong ito ay foolish cop!
Hindi na inilagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang family name ng tatlong itlog bahala na ang intelligence team ni Valmoria kung makakapa nila ang kanilang kabaro.
Kambiyo issue, umaarangkada ang jueteng operation ni Joy dyan sa San Dionisio, Paranaque City dahil tulog dito ang NCRPO at si alyas Onin, sinasabing PNP - CIDG?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang CIDG - NCR ang pinakamabangong unit ng pulisya sa Philippines my Philippines dahil wala itong inuurungan trabaho at hindi basta trabaho ang tinatrabaho nila kundi mga high profile criminal ang kanilang mga nilalambat. Kaya kung totoong isang alyas Onin, ang isa sa kumukunsinti sa jueteng operation ng mga nakasulat na pangalan sa itaas dapat sigurong sibakin ito at ilipat ng unit.
Sabi nga, kawawa naman si CIDG director Magalong dito. Tama ba, SILG Mar Roxas at CPNP Alan Purisima?
Abangan.
- Latest