^

PSN Opinyon

Opisyal ng police nagpapatay ng reporter?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinapatay diumano ng isang opisyal ng Philippine National Police si Ruby Garcia, reporter ng Remate newspaper habang nasa haybol ito the other day.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may nakabangga umanong opisyal ng Philippine National Police dyan sa Cavite si Ruby sa hindi pa malaman dahilan kaya ayon niratrat siya ng dehins pa kilalang ‘gunman.’

Kambiyo issue, sa Crame, ang isinasangkot na foolish cop este mali opisyal pala ng PNP ay iimbestigahan sa lalong madaling panahon para magbigay linaw kung bakit siya ang inginunguso sa pagkamatay ng lady reporter.

Sabi nga, sibak muna ang opisyal ng police sa kanyang puesto!

Abangan.

MMDA, simpleng problema pinalalaki ang gastos

GUSTONG gibain ang ‘multi - million’ footbridge o overpass na itinayo ng gobierno para magamit ng madlang people para ilayo sila sa disgrasiya sa pagtawid - tawid at makaiwas sa mga dambuhalang at matutuling sasakyan sa kalsada.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinambayan na ito ng mga vendor para sa kanilang negos­yong inilalako kaya nagkakaroon ng malaking problema sa mga gumagamit rito dahil mistulang traffic sa itaas ng footbridge at heavy traffic naman sa kalsada sa ilalim ng footbridge kasi dito naka-istambay ng mga pampublikong sasakyan para pumik-up ng pasahero.

Itinatanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sino sa mga opisyal ng gobierno ang gustong kumita para gibain at magtayo ulit ng panibagong footbridge?

Ika nga, magkano ang kikitain sa komisyon?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat makipag-dialogo o makipag-ugnayan ang MMDA sa PNP at Barangay sa mga nakakasakop na lugar ng gustong gibain footbridge para palayasin ang mga illegal vendor dito at itaboy ang mga pampublikong sasakyan nakaharang na nagiging dahilan para sumikip ang trapiko.

Ika nga, simple lang ang gagawin!

Sabi nga, political will lang ito kung talagang gustong paalisin ang mga illegal vendor imposibleng magmatigas sila sa batas.

Ika nga, kung bawal. Bawal!

‘Kaysa gumastos na naman ng salapi ng bayan.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Abangan.

Sir Onin ng Southern Metro

MUKHANG pakaang-kaang ang isang alyas Onin, diumano’y opisyal ng CIDG na nakatalaga dyan sa Southern District dahil hindi nito kayang hulihin si alyas Joy, ang jueteng Queen ng San Dionisio, Paranaque City.

Bakit kaya?

May ‘intelihensiya’ kaya itong tinatanggap?

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi bababa sa P.3 million ang engreso ni Joy sa jueteng operation nito sa San Dionisio at sa iba pang lugar sa Parañaque City kaya tuloy pati ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay nagtataka kung bakit tahimik si Paranaque City Mayor Olivarez dito, local police at ang PNP - CIDG.

‘Ano ang masasabi mo Onin?’

Abangan.

ABANGAN

BAKIT

CRAME

IKA

PARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABI

SAN DIONISIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with