^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Inspeksiyunin ang mga bus

Pilipino Star Ngayon

NAG-UUMPISA na ang exodus ng mga tao sa Metro Manila patungo sa kani-kanilang mga probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw. Kahapon, may mga pasahero nang nagdadagsaan sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City at sa Sampaloc, Manila. Ang bus terminal sa Araneta Center ang inaasahang dadagsain ng maraming pasahero. Tuwing Mahal na Araw laging nagkakaroon nang pagsisiksikan sa mga bus terminal sapagkat mahaba ang bakasyon at nagkataon din namang bakasyon na ng mga estudyante. Kaya tiyak na aapaw sa mga tao ang mga bus terminal.

Sa ganitong sitwasyon nararapat na maging handa ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ganundin naman ang Land Transportation Office (LTO). Hindi sila dapat maunahan ng mga tao sa mga nakaabang na bus. Kapag naunahan sila ng mga tao tiyak na hindi na nila maiinspeksiyon ang mga bus at tatakbo nang tatakbo ang mga ito. Kahit kalbo ang gulong, basag ang ilaw, walang preno at walang mga plaka ay tatakbo nang matulin at maaaring maaksidente.

Marami nang nangyaring malalagim na aksidente sa bus at ang mga kawawang pasahero ang nagdusa. Dahil sa kapabayaan ng bus company na hina­yaang bumiyahe ang kanilang mga bus sa kabila na hindi nainspeksiyon ang mga ito. Mayroong bus ang nahulog sa bangin, nagdayb mula sa Skyway at bumaliktad sa highway. Noong nakaraang Pebrero, nahulog sa bangin ang Florida Bus habang pa­tungo sa Mountain Province na ikinamatay ng 14 na pasahero. Nawalan daw ng preno. Noong nakaraang linggo lamang, isang pampasaherong bus na patungong Batangas ang bumaliktad sa SLEX na ikinasugat nang maraming pasahero kabilang ang isang naputulan ng braso. Nawalan din daw ng preno. Noong nakaraang Disyembre 16, 2013, nahulog sa Skyway ang Don Mariano Transit na ikinamatay ng pitong pasahero. Nawalan din ng preno.

Lahat nang bus ay pawang nawalan ng preno. Nararapat magkaroon nang seryoso at puspusang pag-iinspeksiyon ang LTFRB at LTO sa mga bus na bibiyahe patungong probinsiya ngayong Mahal na Araw. Huwag paalisin sa terminal ang mga bus na walang preno. I-drug test din ang mga bus driver.

 

ARANETA CENTER

ARAW

BUS

DON MARIANO TRANSIT

FLORIDA BUS

NANG

NAWALAN

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with