Sakdal na plunder ‘bahagi ng roadmap’
ANG sakdal na pork barrel plunder laban kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla ay bahagi ng “planadong roadmap,†nagmalaki ang MalaÂcañang nu’ng Miyerkules. Bahagi raw kasi ito ng programa ni President Noynoy Aquino kaban sa katiwalian.
Hmm, nakakapagtaka na ito ang sinasabi ng MalaÂcañang, ngayong itinaguyod ng independent Ombudsman ang kasong plunder na binuo ng DOJ-NBI. Kasi kailan lang, naghuhugas-kamay ang Palasyo tuwing pina-follow-up ng media ang isyu ng pork barrel scam.
Pero, palampasin na natin ang pinaka-huling insidente na ‘yan ng inconsistency ng Palasyo. Tanggapin na natin na mahusay na planado nga lahat ito ng Aquino admin. Kaya ituloy ang ulat sa roadmap. Ayon sa Malacañang, ito ang pitong yugto sa mapa:
1. Kinatigan na ng Ombudsman ang kasong plunder;
2. Meron limang araw ang mga sakdal para mag-motion for reconsideration (MR);
3. Meron din 60 araw ang Ombudsman para resolbahin ang MR;
4. Kung ipawalang-saysay ng Ombudsman ang MR, isasampa nito ang kaso sa korte -- ang Sandiganbayan (SB);
5. Ira-raffle ang kaso sa anoman sa limang divisions ng SB;
6. Ipaaaresto ng division ang mga sakdal; at
7. Paglilitis.
Oops teka muna, sabat ni Sen. Miriam Defensor SanÂtiago, kulang ang mga yugto ng roadmap. Ipinaalala niya ang isa pa, na kasabay ng “6. Pagpapaaresto sa mga sakdal.†Ito ay ang otomatikong pagsususpindi ng mga sakdal mula sa Senado. Importante umano ang suspension. Ito’y para hindi magamit ang puwesto sa pag-impluwensiya sa kaso.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest