K.I.N.A.L.A.S.A.N
ANG K.I.N.A.L.A.S.A.N (Kababaihang Iniwan Na ng La-laking Sumama sa Ibang Nililiyag) ay isa lamang sa mga support groups na itinatag sa loob ng OFW Family Club. Ang iba ay ang S.R.O o Samahan ng Retired OFWs at B.I.R. o Biktima ng Illegal Recruitment.
Ang K.I.N.A.L.A.S.A.N. ay binubuo na ng humigit kumulang 500 members na tinalikuran na ng kanilang mga mister na nagkaroon na ng ibang ka-relasyon. Sinusulatan at nakikipag-ugnayan ang OFWFC sa mga mister at kapag hindi nadala sa madiplomasyang usapan, sinasampahan sila ng mga kaso for support o abandonment of minors sa tulong ng volunteer lawyers ng OFWFC na pinangungunahan ni Atty. Roger Evasco at ni Atty. Apollo Sangalang. Regular na nagkikita-kita ang mga miyembro sa loob ng OFWFC. Ang activities nila ay ang sumusunod: Nag-aaral kung papaano mag-internet, gumawa ng mga kakaning pambenta, meat processing, soapmaking, sewing at iba pa.
Maraming mister na tumutugon sa mga sulat ng OFWFC at nagpapatuloy ng kanilang suporta, pero mayroon din naman na binabalewala ang aming pakiusap. Ang dahilan ng iba ay inuunawa namin tulad nang pa-ngangaliwa ng misis dito sa Pilipinas. Pero ang kasalanan naman ni misis ay hindi naman kasalanan ng mga anak na natitigil na sa pag-aaral. Kaya tinutulungan namin na makahanap ang mister ng ibang paraan na maiparating ang kanyang suporta sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng lolo o auntie na deretsong magbabayad ng kanilang tuition at bibili ng kanilang mga pangangailangan sa buhay. Ang iba naman talagang mga iresponsable at hindi nagpapadala kahit naman ang kanilang mga misis ay mga faithful ay pinasasampahan namin ng kaso at pinaiisyuhan ng hold departure order sakaling umuwi sa Pilipinas para magbakasyon.
Dumadalo ako at ang aking pamilya sa birthday parties at mga picnic na idinadaos ng mga miyembro ng K.I.N.A.L.A.S.A.N.
- Latest