KAMAKAILAN ay kumalat ang balita na ginagamit ng mga jueteng lord ang Bingo Milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang front ng illegal gambling operations sa Nueva Ecija.
Kung totoo ito’y napakalaking kawalanghiyaan naman ang ginagawa ng mga mapagsamantala at ginagamit pa ang proyekto ng PCSO na naglalayong lumikom ng pondong pangkawanggawa para sa mga mararalita na-ting kababayan.
Ibig nating bigyang daan ang tugon ng Mayor ng Bayombong, Nueva Ecija na si Ramon Cabauatan, Jr. na nagpapabulaan sa naturang report. Aniya, wala raw katotohanan ang balita na ginagamit ang Bingo Milyonaryo ng PCSO bilang front ng jueteng at iba pang illegal na sugal.
Ani Cabauatan na sa kanyang personal at opisyal na kaalaman walang ganitong pangyayari. “Tinututukan ko ang operasyon ng Bingo Milyonaryo. Lahat ng transakÂsyon nito ay ayon sa proseso. Di nahahaluan ng iligal na aktibidades ang Bingo Milyonaryo. Walang basehan ang bintang.â€
Subalit tiniyak ng Mayor na kung mangyayari ang ganitong pagsasamantala, aarestuhin at isasakdal ang sino mang gagawa nito. Dapat lang. Ang PCSO ay hindi umaasa sa pondo ng pamahalaan kundi sa sariling revenue nito na itinutustos sa pangangailangan ng mga mahihirap.
Kung hindi totoo ang balita, sino ang nagpapakalat nito? Sa palagay ni Cabauatan, ang balita ay paninira mismo ng mga jueteng lords na ang aktibidades ay labis na naapektuhan ng Bingo Milyonaryo.
Tiniyak naman ni Benedicto Bulatao, Chairman at
CEO ng COMNET Management Corporation, system provider ng Bingo Milyonaryo na minamanmanan nito ang mga jueteng lords. “Nakikipag-ugnayan kami sa mga awtoridad. Nagpapasalamat kami kay Rep. Carlos Padilla sa kanyang tulong,â€diin niya.
Idinugtong niya na ang media ay malaking papel ang ginagampanan sa pagsugpo ng jueteng. “Lahat tayo magtulungan. Iisa ang ating layunin, “pangwakas ni Bulatao.