^

PSN Opinyon

‘Pananabotahe sa SM’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LITO pa rin ang mga awtoridad sa nangyaring pag-atake ng “Martilyo Gang” sa isang malaking mall noong Linggo.

Ito ang sentro ng talakayan at pag-aanalisa sa aking programang BITAG Live kahapon. Nakatuon pa rin sa “martilyo” ang imbestigasyon ng mga alagad ng batas. Ipinagmamalaki nila ang naaresto nilang isa sa sampung nanloob sa establisimento.

Sa profiling ng mga Intelligence group na naka-trabaho ng BITAG sa mga kasong bank robbery at mga heist noong 2007, organisado at malaking grupo ang nasa likod ng “Martilyo Gang.”

Hindi mga small time, gusgusin at pipitsugin tulad ng ibinabandera ng mga pulis na nahuli nila. May financier o nagpopondo sa likod nito.  Ang financier ay isang ma­laking indibidwal na hindi lumulutang. May kakayahan itong ipagawa anuman ang kaniyang gustuhin o ‘yung tinatawag na “project.”

May sarili itong interes. Maaaring galit o bwisit sa may ari ng establishemento o hindi naman kaya gustong manabotahe at mag-fund raising o mangolekta ng pera. Depende.

Sa nangyari sa SM MOA, hindi fund raising ang habol ng financier. Dahil may masama itong balakin. Hahanap siya ngayon ng “middle man.” Maghahanap naman ang “middle man” ng sarili niyang “broker.” Si broker, maghahanap din ng kaniyang “broker 2.”

Si “broker 2” maghahanap naman ng “project manager” na walang masyadong nalalaman sa proyekto, basta ang sa kaniya, pera-pera lang. Mayroon ding “broker 1” at “broker 2” sa ilalim ng “project manager.” Sila ang maghahanap ng “leader” na magbubuo ng grupo ng walo hanggang sampung katao.

Ito na ‘yung mga “maliliit” na kriminal. “Taglilima-singko” kung tawagin. Dahil mga patay-gutom at desperadong magkapera, tatanggapin nila ang “proyekto.” Kung pumalpak man o magtagumpay ang grupo, wala ng pakialam ang financier. Ang mahalaga, maisakatuparan lang ang panloloob.

Sa lebel na ito, tanging ang “middle man” lang ang nakakakilala sa financier. Gusto lang nito na manggulo at manira ng negosyo. Sa kasong ito, isabotahe ang Shoe Mart. Kung tutuusin, marami namang pawnshop o malalaking mall na pwedeng tirahin, pero bakit mismong SM pa na balot ng mga security guard na mayroon pang police desk sa loob ang tinarget?

Hindi gumagawa ng haka-haka, opinyon o teyorya ang BITAG dito. Ito ay ayon na rin sa mga kaalyansa naming “intel” na magagaling mag-build up ng kaso mula sa isang “teyorya.”

Anggulong pananabotahe ang isyu dito. Ito ang dapat tingnan at imbestigahan ng mga alagad ng batas. Hindi ‘yung nagbigay agad ng konklusyon at nakatingin nalang sa epekto ng problema.

Ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00 – 11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ANGGULONG

BROKER

DAHIL

HAHANAP

MARTILYO GANG

SHOE MART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with