BUKOD sa makasaysaÂyang lagdaan sa pagitan ng MILF at gobyerno para sa Comprehensive Agreement on Bangsa-moro, nilagdaan na rin ng gobyerno ang kasunÂduÂan para bumili ng mga kaÂgamiÂtang militar mula sa South Korea at Canada sa halagang $528 milyon. BahaÂgi ito ng isinasagawang moÂdernisasyon ng AFP. Labindalawang FA-50 lead in fighter jets ang bibilhin mula sa South Korea, at walong Bell helicopters naman mula sa Canada. Magsisimula ang pagtanggap ng mga kagamitan sa mga susunod na taon.
Tiyak na manggagaÂlaiti na naman ang China sa hakbang na ito ng PiÂlipinas. Tuwing may piÂÂnag-uusapang hakbang para palakasin ang militar ng Pilipinas, may masamang reaksyon ang China. Tila sila lang ang may karapatang magkaroon ng malakas na militar. At sa plano ng Pilipinas na magsampa ng memorial na may kaugnayan sa kaso natin sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), siguradong lalong magagalit ang China. Binatikos din ng China ang ginagawang usapan ng bansa at ng militar ng Amerika, para magamit nila ang mga base militar natin kapag nasa rehiyon sila. Ayon naman sa Palasyo, handa sila sa anumang hakbang ng China laban sa bansa. Nagbabala ang China na kung itutuloy ang pagsampa ng nasabing memorial, magpapataw daw sila ng kaparusahan sa bansa. Hindi pa alam kung anong klaseng kaparusahan ito. Maaaring sa ekonomiya, maaring pulitika. Hindi naman siguro militar, kung alam ng China ang magiging epekto nito sa rehiyon.
Wala talagang maÂkaÂintindi sa mga pahayag ng China sa kanilang “Nine-Dash Line†na pag-aangkin ng teritoryo. Kaya wala na tayong maÂgawa kundi dalhin sila sa korte, ika nga, na ikinagalit naman ng China. Sa mga bagong developÂment na ito sa panig natin, hihintayin naman natin ngayon ang kilos ng China. May suporta tayo mula sa maraming bansa. Sana sang-ayunan ng UN ang ating hiling, ang ating katayuan. Pero may kutob ako na kahit ano pa ang sabihin ng UN, kahit ano pa ang maging desisyon nila, hindi ito saÂsang-ayunan ng China, at idadaan pa rin sa panindak at lakas-militar. Ang tanong, kung handa ang Palasyo sa larangan ng pulitika, handa na rin ba sa lakas ng militar? O tiyak na may tutulong sa atin kung saka-sakali?