^

PSN Opinyon

Puerto Prinsesa dinagsa ng turista ng ako ang Mayor - Bayron

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

‘POLITIKA! Ito ang dahilan kung bakit ako inaatake ng aking mga kalaban dito sa Puerto Prinsesa kaya naman tadtad ng paninira ang inaabot ng aking administrasyon sa mga urot.’ sabi ni Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Ikinuento ni Bayron, na walang katotohanan na bagsak ang tourism industry sa kanilang place at hindi rin totoo na matindi ang kriminalidad dito. Lahat ng mga ito ay puro kathang isip lamang ng mga urot kung kalaban sa politika.

Tirada ni Bayron sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob ng 7 months pa lamang niya bilang malandi este mali Alkalde pala ay naramdaman ng mga taga - Puerto ang ‘Tourism Boom,’ na dehins nagawa ng mga urot na kalaban niya sa politics sa loob ng 20 years.
  Ibinida ni Bayron, mula mid-2013 up to now from the tourism records may 367,001 tourist ang dumayo sa Puerto compare sa 355,805 last July 2012 hanggang Enero 2013 before local election kaya mas dumami ang mga turistang nagsipuntahan dito ng 11,196 in span of 7 months ng aking pagkakaupo.

Base na rin umano ito sa natatanggap nilang datos mula sa mahigit 230 na mga tourism establishment sa Puerto Princesa.

Kuento ni Bayron sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na mapipigilan pa ang pagdami ng mga turista sa Puerto lalo’t summertime na dahil tiyak na dadagsa sa ‘Underground River’ sila.

Ayon kay Bayron kuentong kutsero lamang ang mga negatibong ulat tungkol sa lagay ng industriya ng tourism sa kanila kasunod ng inihain ‘recall’ petiton laban sa kanya.

Sabi ni Bayron, tinalo niya ng 10,000 votes ang watot ni dating Puerto Princesa Mayor at talunan Senador na si Edward Hagedorn.

Kuento ni Bayron, may nasilip ang COA sa diumano’y maling paggamit ng Local Government Support fund na may P125 Million echetera, echetera.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘walang crime wave sa Puerto. Mukha lamang tumaas ang crime incidents dito dahil sa bagong sistema na ipinatutupad ni CPNP Alan Purisima regarding sa crime reporting.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ika nga, huwag dokturin ang blotter!

Bida ni Bayron, matindi ang seguridad at kaayusan na ipinatutupad ko sa Puerto ito ang isa sa aking dream para dagsain kami ng turista!

Abangan.

 

 

ALAN PURISIMA

BAYRON

EDWARD HAGEDORN

KUENTO

LOCAL GOVERNMENT SUPPORT

PUERTO

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with