Graduation day

Narito ang isang magandang aral

Sa mga ga-graduate nating mag-aaral

Mga estudyante di dapat magsayang

Ng panahon nila sa mga paaralan!

 

Sa ating calendar malapit na pala

Ang graduation day ng mga eskwela;

Ilang mag-aaral magiging masaya

Dahil nagwakas na paghihirap nila!

 

Higit na masaya ang mga nagtapos

Aakyat sa stage na ang tuwa’y lubos;

Sila ay tatanggap ng medals of honor

Pagka’t sa aralin ulo’y isinubsob!

 

Subalit ang hindi magiging masaya

Mga mag-aaral na naging pabaya;

Di nila pinansin mga leks’yon nila

At ang inasikaso ay paglalakwatsa!

 

At di lamang sila ang ngayo’y luluha

Pati ang magulang na lubhang umasa;

Mga anak nila’y patungong eskuwela

Pero markang zero ang nakamit nila!

 

Kaya ngayo’y tiyak nating mamamasid

Dalawang larawan ng mga gagraduate;

Isa’y nakangiti isa’y tumatangis

Na sa mundong ito’y tuwa at hinagpis!

 

Sa lahat ng ating ginagawa ngayon

May mga pagsubok dala ng panahon;

Mga mga mag-aaral na ginto ang layon

Sa graduation nila ang diwa’y pasulong!

Show comments