^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paalala: Mag-ingat sa sunog

Pilipino Star Ngayon

MATINDI na ang init ng panahon na nararanasan at maaari pa raw tumindi sa pagpasok ng Abril. Dahil sa init, maraming nangyayaring sunog. Kahapon, isang sunog ang naganap sa Caloocan City at maraming nawalan ng taha­nan. Noong Martes, 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Litex Road, Bgy. Payatas. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan dahil gawa ang mga ito sa light materials. Nasa P5 milyon ang halaga ng sunog.

Noong nakaraang linggo, isang pamilya sa Malabon ang nasunog. Natagpuang magkaka-yakap ang mag-anak sa isang silid. Hinihinalang faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog. Bago ang sunog na iyon, may naganap ding sunog sa UST Hospital na ang pinagmulan ay napabayaang aircon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mahigit 400 na ang naitalang sunog mula Enero hanggang Marso sa Metro Manila. Ang Marso ang tinaguriang “Fire Prevention Month”.

Kung titindi pa ang init sa Abril, maaring magkaroon pa ng mga sunog. Sa ganitong sitwasyon, nararapat nang paigtingin ang pag-iingat sa sunog. Magkaroon pa ng puspusang pagpapaalala sa mamamayan ang BFP. Dapat imulat ang mamamayan sa tamang pag-iingat upang maiwasan ang sunog.

Laging ipaalala ang pag-check sa electrical appliances, LPG, at mga bagay na madaling sumiklab o magliyab gaya ng posporo, lighter at flammable liquids. I-check din ang mga airconditioner at mga electric fan. Linisin ang mga ito para hindi mag-overheat.

Magkaroon din naman ng pag-inspeksiyon sa mga building at establisimento para matiyak kung ang mga ito ay may fire exit. Ang kawalan ng fire exit ang dahilan kaya maraming namamatay. Isang halimbawa ay ang Ozone Disco na nasunog noong Marso 19, 1996 kung saan 160 ang namatay. Walang fire exit ang Ozone.

Huwag hayaang maulit ang malalagim na sunog gaya nang nangyari sa Ozone at iba pa. Isaisip sa tuwina ang pag-iingat.

 

ABRIL

ANG MARSO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

FIRE PREVENTION MONTH

LITEX ROAD

MAGKAROON

MARSO

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with