^

PSN Opinyon

Wala nang ilaw, wala pang tubig!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nga official na nagsisimula ang tag-init ngunit ramdam na ramdam na ang tindi ng problema dulot ng walang kuryente dahil nga sa pagkasira ng power facilities dagdagan pa ng pagbaba ng water level sa Polangui River sa Bukidnon at Lake Lanao sa Marawi City na dalawa sa mga pinagkukunan ng hydroelectric power na main source of power ng Mindanao.

 At siguradong mas lalala ang problema sa kuryente rito  sa Mindanao dahil nga sa pagkasira ng dalawang generators ng STEAG Power Inc. (SPI) na nagpapatakbo sa nasabing coal-fired power plant sa Misamis Oriental.

 Ang dalawang STEAG generators ay mayroong capacity na 150 megawatts ang bawat isa. At ang total na 300MW ay contribution nito sa kabuuhang capacity ng Mindanao grid na pinamamahalaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ang 300MW ay 20 percent sa buong capacity ng Mindanao grid.

 Kahapon ay nilagay ng NGCP ang supply shortfall ng Mindanao grid  sa 164 MW dahil nga ang system capacity nito ay nasa 1075 MW level at ang actual demand peak ay umabot ng 1239 MW.

 At sinabi nga ng STEAG na aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago maayos talaga ang dalawang nasirang generators nito. At sa mga panahong iyon lang mapupunan ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Mindanao.

 Sa ngayon ay umaabot na hanggang 10 oras ang rotating brownout sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa kasalukuyang power situation lalo na pagkatapos ng massive power blackout noong February 27.

 Ngunit lalong lumala ang problema dahil nga kung walang kuryente, may may lugar naman dito sa Mindanao gaya ng Davao City na nawawalan din ng tubig.

 Ang mga poso o bomba ng tubig ng Davao City Water District ay nakadepende sa kuryente upang sila ay umandar. Kaya nga pag walang kuryente ang buong Davao City ay automatic naman itong walang tubig lalo na pag ang naaapektuhan ay ang area kung nasaan naroon ang main pumps ng DCWD sa southern area ng siyudad.

 At mahaba-haba pa ang pagbuno ng problema sa power supply dito sa Mindanao.

 Kaya nga pinag-isipan ng DCWD ngayon kung ano ba ang mas mainam na gagawin--- kung bibili ba ng generator na magagamit lang sa pumps nito o kung kukuha na lang ng dedicated na linya sa Davao Light and Power Company upang maisiguro na hindi nawawalan ng kuryente and nasabing linya.

 Ang hirap kaya mawalan ng tubig, mas mahirap pa sa mawalan ng kuryente!

DAVAO CITY

DAVAO CITY WATER DISTRICT

DAVAO LIGHT AND POWER COMPANY

KAYA

KURYENTE

LAKE LANAO

MARAWI CITY

MINDANAO

POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with