EDITORYAL - Mga walang silbing GOCCs buwagin na!
MAYROONG 120 government-owned and controlled corporations (GOCCs) at karamihan sa mga ito ay walang pakinabang at ang iba pa ay naÂlulugi. At kahit walang pakinabang ang GOCCs, paÂtuloy pa ring pinasusuweldo ng taumbayan mula sa ibinabayad na buwis ang mga opisyal at empleado ng GOCCs. Sa madaling salita, patuloy silang sumisipsip sa kaban ng bansa pero wala silang maibigay na magandang kapalit sa halip, pabigat pa. At ang matindi pa, may GOCCs na sangkot sa pork barrel scam. Dalawang GOCCs umano ang nakinabang sa pondo mula sa pork barrel na minaniÂubra ni Janet Lim Napoles. Tinukoy ang Technology Resource Center at National Livelihood Development Corp. na nakinabang sa pork barrel ng mga mambabatas gamit ang pekeng NGOs ni Napoles.
Pinaka-magandang magagawa ay ang buwagin na ang mga GOCCs na pasanin ng taumbayan. Huwag nang mag-atubili pa at agarang buwagin para naman mabawasan ang dalahin ng mamamayan. Kabilang umano sa mga GOCCs na walang silbi, nalulugi at may bahid ng corruption o sangkot sa scam ay ang National Agribusiness Corp. at Zamboanga del Norte Rubber State Corp. na nasa ilalim ng Department of Agriculture at Natural Resources Development Corp.-Philforest Corp. na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources.
Ang mga nabanggit na GOCCs ay tinukoy din nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao party-list Rep. Maximo Rodriguez na hindi napapakinabangan at nararapat nang buwagin. Tinukoy din ng magkapatid na mambabatas ang Batangas Land Co. Inc., Banaue Hotel and Youth Hostel, BCDA Management and Holdings, Cottage Industry Technology Center, Freeport Service Corp., GYReal Estate, Human Settlements Development Corp. Kamayan Realty Corp. Marawi Resort Hotel at pitong iba pang GOCCs na dapat nang buwagin sapagkat walang pakinabang.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni President Aquino na pinag-aaralan na umanong buwagin ang ilang GOCCs. Kung totoo ito, nasa “tamang daan†ang Presidente. Hindi dapat matuyo ang kaban ng bayan dahil sa paggastos sa GOCCs na wala namang pakinabang at sangkot pa sa scam.
- Latest