Mga kuwestiyon sa kuwento ni Ruby Tuason(Ikalawang bahagi)
INILAHAD ko sa nakaraang kolum ang ilang bahagi ng press conference ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada (SJEE) kung saan lumutang ang maraming kuwestiyon sa ikinuwento ni Ruby Tuason sa Senate Blue Ribbon Committee hearing hinggil sa isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Narito ang bahagi ng naturang press conference.
(Tanong ng media): Paano niyo ika-counter ang mga allegations laban sa inyo sa media o paano?
(Sagot ni SJEE): Of course, iyong proper forum sa husgado.
(Media): Sabi niyo posibleng scripted o zarzuela ang hearing, ano ang obserbasyon niyo sa hearing? Napatunayan ba yan?
(SJEE): You be the judge. Mga sensitive kayo sa mga body language ng mga resource persons. Hindi ba si Tita Ruby, when she answers the questions coming from the senators, kapag hindi siya sigurado, she confers with Benhur Luy always. She needs to be coached, or she’s being coached.
(Media): Sinabi niya hindi siya nanghingi ng pera?
(SJEE): Nice question. Iyong sinasabi niya, she denied that she was asking money from me. Ang sabi niya, “Anong tulong ang pwede mong maibigay sa akin?†I stand by my first statement that she was really asking money from me.
(Media): Na-guilty daw siya lalo na noong napanood ang Yolanda?
(SJEE): Alam mo, I am sorry to say but this is what I felt when I was watching her on TV noong sinabi niya she felt devastated seeing the victims of Yolanda. Alam mo Tita Ruby, kahit kailan hindi ka naman tumulong sa mga mahihirap. Noong bagyong Ondoy nandito ka pa noon, kahit isang sandwich ba nagbigay ka sa mga mahihirap? Kaya huwag mo nang gagamitin ang mga na-biktima ng Yolanda… Ni hindi ka pa nga nakakapunta sa mga depressed areas dahil nandidiri ka. Tita Ruby naman, magpakatao naman tayo dito?
(Media): Hindi iyon ang pagkatao niya?
(SJEE): Hindi iyon ang pagkatao niya.
(Media): Ano ba ang pagkatao niya?
(SJEE): Aristokrata, elite.
- Latest