^

PSN Opinyon

Alibi mo Lola, bulok

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Akala ng isang Deodita Antero, 63-anyos na taga-Bgy. Agdao rito sa Davao City, makakalusot siya sa alibi kung bakit niya kinuha ang isang dalawang taong gulang na batang babae sa loob ng Gaisano Mall noong nakaraang Lunes ng hapon.

Sinabi niya na naaliw lang siya sa bata at kaya niya kinuha dahil wala raw itong kasama nang nakita niya sa may mobile phone section ng mall.

Naku! Style mo lola bulok! Huling-huli na po kayo at hindi lumusot kay Mayor Rodrigo Duterte ang iyong alibi.

Kaya inutos ni Duterte na agad-agad ipasok sa bilangguan si Antero at kasuhan ng serious illegal detention sa pagkuha at pagtago niya sa bata sa loob ng apat na araw.

Inamin din ni Antero na si Duterte ang naging fiscal noon sa kaso laban sa kanya dahil nga raw pinatay niya ang kanyang asawa noong 1980s. Tsk-tsk-tsk!

Ito pa ang nakakatawang alibi ni Antero --- “narinig ko lang kasi sa internet na hinahanap na ang bata!” Huh? Narinig sa internet? Baka sa radyo at telebisyon kung saan kalat na kalat ang mukha ng bata at ang number ng mga kinauukulan kung sakaling makita nga ang bata.

Talagang hindi lusot si Antero dahil nga unang-una kung totoong nakita niya ang bata na nag-iisang palakad-lakad eh, di madali naman niyang lapitan ang pulis o di kaya’y ang management ng mall at nang magawan ng paraan sa public announcement system nila na mag-aanunsyong may nawawalang bata.

Imbes na ipaalam sa pulis at sa mall management na may nakita siyang nawawalang bata ay dinala niya ito palabas at nakita nga sa CCTV ng mall na nakasumbrero pa nga ang matanda sa may exit area.

At eto pa! kung walang intensyong masama ang matanda, bakit niya ginupitan ng buhok ang bata? Modus operandi ng mga kidnappers na ginupitan ng buhok  ang kanilang mga biktima upang hindi ito makilala.

Napilitan si Antero na dalhin ang bata sa Women and Children’s Desk ng Davao City Police Office noong Biyernes ng hapon upang dalhin na sa mga magulang nito.

At dinala nga ang bata at si Antero kay Duterte noong gabi ding yon ng Biyernes. Si Duterte na mismo ang nag-turnover ng bata sa kanyang mga magulang.

Ngunit si Antero ay hindi pinakawalan at dinala na agad sa Sta. Ana Police Station upang harapin niya ang serious illegal detention charges.

Kaya nga kahit anong alibi ni Antero talagang hindi siya makakalusot sa kanyang pagdukot sa bata.

ANA POLICE STATION

ANTERO

BATA

BIYERNES

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE OFFICE

DUTERTE

GAISANO MALL

KAYA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with