PhilHealth gising!

ANG tawag natin sa OFWs ay mga bagong bayani dahil sa sakripisyong tinitiis nila habang nakahiwalay sa kanilang mga pamilya at dahil malaki ang kabuuang halaga ng kanilang dollar remittances sa bansa. Dapat ituring ng gobyerno ang OFWs na kanyang mga empleyado dahil sila ang bumubuo ng army of economic warriors who fight the war against poverty in the Philippines in various war theatres overseas.

Dahil dito, dapat sinasagot ng gobyerno ang kalahati na sinisingil ng PhilHealth at Social Security Systen (SSS) para maipadama sa OFWs na pinapahalagahan natin ang kanilang sakripisyo at pagiging mga saviour ng ating ekonomiya. Sa halip, tinaasan pa ng PhilHealth ang halaga ng premium (P2,400 a year) at ginawang sapilitan (compulsory) ang pagbabayad ng OFWs.

Maliwanag na hindi napag-aralang maigi ng PhilHealth ang bagay na ito. Walang pakinabang ang OFWs sa PhilHealth insurance lalo na sa Gitnang Silangan. Dahil sa kayamanan ng mga bansa roon dahil sa sila ay top oil producers, sinasagot ng estado ang mga medical and hospitalization needs ng lahat ng mga mamamayan doon kasama na ang OFWs. Ang katwiran ng PhilHealth ay  pamilya naman daw ng OFWs sa Pilipinas ang makikinabang. Kung totoo yan dapat gawing kalahati  na lamang ang premium dahil pamilya lang naman pala ang makikinabang, hindi mismo ang OFW.

Dapat inalam din ng PhilHealth na hindi pare-pareho ang sahod ng OFWs. Yung mga nagtratrabaho bilang mga katulong, cleaners, at salesgirls lalo na sa Gitnang  Sila-ngan ay sumasahod lamang ng US$150-200 kada buwan. Wala pang P10,000 a month tapos sapilitang kakaltasan ng PhilHealth ng P2,400 a year. I will deliver a privilege speech sa Kongreso dahil sa ginagawang ito ng PhilHealth. Kung kailangan pa, I will hale them to the Supreme Court.

Show comments