NAGING paniniwala na natin na kapag sinabi mo ang salitang ‘tsismis’ ito’y galing sa babae. Hindi alam ng karamihan na maraming lalaki ang mas tsismoso pa sa babae. Nangyayari ito sa umpukan ng inuman isinasama sa pulutan para mas masarap ang kwentuhan.
“Ang anak ko hinuli ng pulis na naka-assign sa barangay. Hindi naman sila nakauniporme,†simula ni Diosing.
Nakasuot ng T-shirt na puti at may nakasukbit na baril ang kumaladkad umano sa anak ni Diosaida “Diosing†Zuñiga, 77 taong gulang na si Rosendo o Oseng nakatira sa San Mateo, Rizal.
Hinuli si Oseng dahil sa pakikipagsuntukan sa kapitbahay niyang si Enrique “Ricky†Chiombon.
Nagsimula raw ang insidente nang magsalita ng kung anu-anong paninira si Ricky laban sa asawa ni Oseng na si Rochel at sa kumpare niyang si Reynaldo Santos, na mas kilala bilang Bojeck na kapitbahay din nila.
Una nitong sinita ang pagkakaangkas ni Rochel sa motor ni Bojeck.
“Ipinaalam naman ni Rochel sa anak ko yun. Mahirap sumakay nung papauwi na siya at natiyempong nadaanan sila ni Bojeck. Dalawa silang nakisabay ng kaibigan niya,†kwento ni Diosing.
Base sa mga narinig ni Diosing sa mga nakasaksi ng suntukan, nang sumuntok umano itong si Ricky nasalag ni Oseng at nasuntok niya ito sa may kaliwang mukha. Muling bumanat ng suntok si Ricky ngunit nakailag si Oseng kaya nasubsob ito sa kalsada.
Papauwi na ang kanyang anak mula sa nangyaring insidente nang may humabol sa kanyang pulis, si PO1 John Albert Cruz, pamangkin ni Ricky at hinahatak umano itong si Oseng. Walang nagawa ang huli kundi sumama. May kasama pang isang imbestigador na pamangkin din ang ni Ricky si SPO1 John Paul Cruz.
“Pagdating sa tapat ng bahay nina Ricky pinapababa ang anak ko sa mobile. Hindi pumayag ang nakatokang pulis din ng barangay,†salaysay ni Diosing.
Idiniretso sa munisipyo ng San Mateo si Oseng at ikinulong. Kasong Attempted Murder ang isinampa ng kampo ni Ricky. Halagang Php120,000.00 ang piyansang hinihingi sa kanila.
Para mas maidetalye ang mga pangyayari inanyayahan namin ang asawa ni Oseng na si Rochel sa aming tanggapan upang dalhin ang mga dokumento.
Kinabukasan… mismong si Oseng kasama ang kanyang asawa ang dumating sa aming opisina.
Lumapit sila sa mga kamag-anak upang mabuo ang pampiyansa niyang Php120,000.00.
“Bakit naman ganun ang ikinaso sa akin? Una Frustrated Murder tapos ginawa nilang Attempted Murder,†wika ni Oseng.
Ayon sa reklamo ni Ricky, pinagtangkaan umano siyang patayin at hinataw ng matigas na bagay ang kanyang mukha.
“Habang walang kalaban-laban at hindi pa nakuntento ay sunud-sunod na pinagsusuntok pa ako,†laman ng salaysay ni Ricky.
Napadaan daw siya sa ‘basketball court’ ng barangay Dulong Bayan 1 at inaya siya ng mga nag-iinuman dun.
Matapos umano siyang mahataw ng matigas na bagay nakita niya si Oseng na galing daw sa kanyang likuran. Patuloy din umano sa pagsigaw itong si Oseng ng “Put@n6 1n@ mo! Papatayin kita!†Kasunod umano nito ang sunud-sunod pang suntok bago naawat ng kanyang mga kainuman.
Dumating ang asawa at kapatid ni Ricky at dinala siya sa Ynares Casimiro Hospital ngunit inilipat din siya sa East Avenue Medical Center.
Hindi niya nakita kung anong uri ng matigas na bagay ang ipinangpalo sa kanya.
‘Swelling, left frontal area, Nasaldorsum, Periorbital contusion hematoma, left, abrasion, nasaldorsum at abrasion frontal area’ ang nakasaad sa medico-legal certificate ni Ricky.
Mariin namang pinabulaanan ni Oseng ang lahat ng akusasyon sa kanya. Kwento niya, noong Disyembre 14, 2013 habang nakikipagkwentuhan siya sa kanyang mga anak sa tapat ng kanilang bahay ay tinawag siya ni Ricky.
“Sumakay sa motor ni Bojeck ang asawa mo. Gawain ba naman yan ng matinong babae?†sabi umano sa kanya ni Ricky na noo’y lasing.
“Wala akong nakikitang masama dun dahil matalik kong kaibigan si Bojeck,†sagot ni Oseng. Nang ipagpalagay niyang wala ng sasabihin si Ricky ay pumasok na siya sa kanilang bahay.
Ilang sandali ang nakalipas bumili si Oseng ng sigarilyo sa tindahan na pagmamay-ari nina Ricky. Nang papabalik na siya nakita niyang nakikipag-inuman si Ricky at hinarang siya nito. Sinabi umano nito na ginagamit ni Bojeck ang kanilang mga anak para mapalapit kay Rochel.
“Tigilan mo na yan dahil ang mga binabanggit mo ay mga taong malalapit sa buhay ko,†wika ni Oseng sabay pihit pauwi.
Napansin ni Rochel na siya’y balisa at parang may gustong itanong sa kanya. Nang usisain siya ng asawa ipinagtapat niyang napikon siya kay Ricky dahil sa mga sinasabi nito tungkol sa kanila ni Bojeck.
“Napakasalbahe naman ng taong yan. Di ko na lang kinuÂkwento sa ‘yo ang pambabastos na ginagawa niya sa akin,†pahayag ni Rochel sa kanya.
Madalas umanong sabihin sa kanya ni Ricky kapag nasa tindahan siya, “Iwan mo na ang asawa mo at iiwan ko ang pamilya ko. Magsama tayo. Kapag natikman mo ko hindi ka na maghahanap pa ng iba.â€
Nang marinig niya ito, dun na napagdesisyunan ni Oseng na kausapin si Ricky para matigil na lahat ng ito.
Paglabas niya ng kanilang bahay nakita niyang nakaupo sa bangko si Bojeck. “Alam mo ba ang mga pambabastos ni Ricky sa asawa ko?†tanong niya rito. “May relasyon daw kayo ni Rochel?â€
ABANGAN ang karugtong ng pitak na ito seryeng ito sa MIYERKULES, EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038