^

PSN Opinyon

Darami ang mawawaldas

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Aprubado’t pinagtibay –

Halos tatlong trilyon na pambansang badyet;

Ito’y higit na malaki

Sa naunang mga badyet na nakagigipit!

 

Okey lamang ito dahil

Lubhang kailangan nitong sambayanan;

Upang ito’y isaklolo

Sa mga nasalantang nayon at bayan!

 

Ang binagyo at nilindol

Ay dapat tulungan ng ating gobyerno;

Kaya badyet na malaki

Dapat makasapit  sa maraming tao!

 

Ang balita’y di maganda –

Kalahati ng badyet ay mapupunta

Sa pork barrel ng pangulo

Kongresista’t kaalyado ang magkakapera!

 

Kung ito ang mangyayari

Ang PDAP at ang scam ay magsusulputan

Libu-libong mga tao

Ang gaya ng dati ay mahihirapan!

 

Sana’y di ito maganap

Para lahat tayo’y sagana ang buhay;

At di tayo aasa pa

Sa bigay ng mga taga-ibang bayan!

 

Mga bansa sa malayo

Dahil sa trahedya’y nagbigay ng pilak

Idagdag pa ito sa badyet

Lalo pang darami perang mawawaldas!

vuukle comment

DAHIL

DAPAT

IDAGDAG

KALAHATI

KAYA

KONGRESISTA

LIBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with