UMULAN na naman ng bala noong New Year’s Eve celeÂbration at 30 ang biktima. Dalawang bata ang namatay na nakilalang sina Von Alexander Llagas, 3-buwang gulang, ng Caoayan, Ilocos Sur at Rhauz Angelo Nicolas, 2-taong gulang, ng San Nicolas, Ilocos Norte habang ang 28 naman ay nagpapagaling pa sa mga ospital. Subalit kung ang Philippine National Police ang tatanungin, masaya pa ang mga ito dahil bumaba umano ang bilang ng mga tinamaan ng bala kumpara noong 2013 New Year’s Eve celebration.
Susmaryusep mga suki! Ni hindi pa nga nakikilala ang nakapatay kay Stephanie Nicole Ella ng Barangay Tala, Caloocan City, eto na naman at magsisimula na naman sila ng pag-aamoy-amoy ng pulbura sa kapaligiran nang mapagtakpan ang kanilang pagkukulang. Ganyan na lang ba PNP chief Dir. Gen Alan Purisima ang papel ng kapulisan? Puro na lang ba imbestigasyon ang ipamamalas sa mga kababayan pagkatapos ng putukan ng New Year’s Eve? Kasi nga kung ang paghahanda ninyo ay pinalawak ang mga intelehensiya este intelligence, kahit na paano’y may mahuhuli kayo sa akto at mahahadlangan ang mga nagpaputok ng baril na isinasabay sa putukan ng firecrackers.
Sayang naman ang pag-recall ninyo ng mga leave of absence ng inyong mga tulisan este kapulisan tuwing sasapit ang New Year’s celebration na wala man lang resultang naidudulot sa madla. At ang masakit pa nito mukhang itinatago pa ninyo ang pagkakakilanlan sa apat na pulis na kumpirmadong nagpaputok ng kanilang mga baril noong New Year. Kaya tuloy hindi mawala sa isipan ng sambayanan na may hokus-pokus na namang mangyayari sa imbestigasyon. Dapat n’yong isaisip na pasuweldo sila ng tax payers. Maging ang kanilang mga baril, bala, uniporme at panggasolina ay galing sa pawis ng mga empleyado.
Panahon na General Purisima na baguhin ang sistemang pinaiiral sa imahe ng PNP. Kalusin mo na ang mga bugok na pulis. Habang pinagtatakpan ng ilang opisyales mo ang mga tamad na pulis, masisira ang pangarap ni President Noynoy Aquino sa “tuwid na daanâ€. Dahil kung puro imbestigasyon ang aatupagin ng iyong alipores tiyak na mailalagay sa balag ng alanganin ang sambayanan. Kilos na General Purisima! Sibakin mo ang mga opisyales na nagpabaya kaya umulan ng bala noong New Year’s Eve celebration. Abangan!