MALINIS ang konsensya ko.†Ito ang mariing pahayag kamakailan ni Presidente Aquino kaugnay ng matitinding batikos sa kanya tungkol sa palpak na aksyon ng pamahalaan sa delubyong nangyari sa Tacloban.
Maaaring nagsasabi ng totoo ang Pangulo. Pero sa ayaw niya o sa gusto, siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan at ano mang kapalpakan ang nangyari kaugnay ng relief and rescue operations sa Visayas maÂtapos manalasa ang bagyong “Yolanda†siya ang may paÂnanagutan. Command responsibility.
Hindi siya puwedeng maghugas kamay o kaya ay sabihin na ang mga pangit na puna laban sa administrasyon ay mga “paninira lamang†ng mga kalaban sa politika.
Anang Pangulo, malinis ang kanyang budhi partikular sa isyu na pati ang pamamahagi ng tulong ay “pinupulitika†tulad ng alegasyon ni Tacloban City Mayor Alfredo Romualdez. Kumalat kasi ang isang video ng pakikipagpulong ni DILG Sec. Mar Roxas na duo’y sinabihan niya ang mayor na isa siyang Romualdez at ang Pangulo ay Aquino. Pahiwatig ito na sila ay magkalaban sa politika.
Nilinaw ng Pangulo na maingat lang ang national government dahil ang local government ang “primary responder†at ang national government ang taga-bigay ng suporta. Idinagdag ng Pangulo pinahihintulutan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council law na tanggalin ang isang mayor kung hindi na nito nagagampanan ang tungkulin, pero hindi niya ito ginawa.
Naniniwala ang Pangulo na kung ginawa niya kung sinibak niya ang mayor gaya ng isinasaad ng batas, malamang na batikos ang inabot ng gobyerno dahil may kaugnayan sa Marcos family ang mga Romualdez.
Pero saan mang anggulo silipin, bukol pa rin sa administrasyon ang sinabi ni Roxas na mabuti pang hindi na niya ipinahayag o kaya ay sinabi na lang sa diplomatikong paraan.