ALAM n’yo bang napahiya ang isang justice nang isoli ng kapwa justice ang ibinigay niyang regalo?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mayor Lani Cayetano ng Taguig City, Rachelle Villa-nueva-Munji, Erick San Pedro ng Radyo Natin, Kuyang Deo Salud ng LTO Cauayan City, Nestor Aldana ng Meycauayan City at Richard See.
Alam n’yo bang nagsisisi ang isang justice kung bakit pa niya binigyan ng regalo ang isang justice ng Supreme Court?
Ayon sa aking bubwit, wala namang masamang intensiyon ang justice nang magbigay ng regalo sa justice. Sa katunayan, hindi lamang siya ang binigyan nito ng regalo kundi pati ang iba pang justices ng Supreme Court.
Hindi tuloy malaman ng justice kung minaliit ang kanyang regalo o baka nainsulto si Supreme Court Justice. Hindi nga kaya siya tumatanggap ng regalo samantalang magpa-Pasko naman?
Sabagay, kung pakikinggan si Comelec Chairman Sixto Brilliantes, ang pagtanggap daw ng regalo ay masama kung ikaw ay government official o employee. Lalo na kung ang tatanggapin mong Christmas gift ay cash. Ito raw ay isang uri ng “indirect bribery†batay sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Malungkot tuloy ang mga empleado ngayon ng Comelec. Pero kung pagkain, puwede raw tanggapin, sabi ni Chairman Brilliantes.
Ayon sa aking bubwit, ang regalong tinanggihan ng isang justice ng Supreme Court mula sa kapwa justice ay bawang. Baka akala niya ay isa siyang aswang.
Ang justice ng Supreme Court na nagsoli ng regalong bawang ay si Justice S. as in Sirena. At ang nagregalo ng bawang ay si Justice P. as in probinsiyano.