Kongresista, sinita ni P-Noy dahil sa jueteng

ALAM n’yo bang pati pala kaalyado ni President Noy-noy Aquino ay sinisita rin tungkol sa kanilang illegal na aktibidad?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Pro-secutor Rudy Manaloto ng Ilagan City, George Uy, Tonton Bataller, Bonifacio Villar, Dory Tapales, Patring Padamada at Ka Gerson Samson ng INC. Congratulations naman sa newly crowned Sultan ng Ranao, si Mayor Mastura Dalig Bagambang Manabilang ng Lanao del Sur.

Ayon sa aking bubwit, napahiya ang isang kongresista nang sitahin ni P-Noy sa isang shooting event sa PSG compound sa Malacañang.

Tuwing araw ng Sabado ay nagkikita pala ang mga (KKK) kaibigan, kaklase at kabarilan ni P-Noy sa shooting range ng PSG.

Ito kasi ang stress reliever ng Presidente kaya tuwing araw ng Sabado ay pumuputok ito at nakikipagkumpitensiya sa mga shooters ng PSG, AFP, ilang miyembro ng Gabinete at mga kaibigan.

Ayon sa aking bubwit, upang mapalapit ang congressman kay Presidente, sumasali rin ito sa target shooting.

Subalit nang makita siya ng Presidente ay biglang sinita dahil parati umanong lumalabas ang kanyang pangalan batay sa intelligence report tungkol sa isyu ng jueteng sa kanilang probinsiya. Mula nang sitahin si congressman, hindi na siya nagpakita kay P-Noy sa target shooting sa Malacañang.

Ayon sa aking bubwit, ang kaalyadong kongresista na sinita ni P-Noy tungkol sa pagkakadawit sa jueteng ay si Congressman A. as in Alamid.

 

Show comments