‘Nasulasok sa usok’
NARANASAN mo na bang madikit ang iyong paa sa tambutso ng motor o mailapit ang iyong balat sa mainit na kalan? Mabilis kang kikislot at iiwas ang iyong katawan dahil sa tinding hapdi na iyong naramdaman.
SA isang tawag sa cellphone… nayanig ang buhay ng pamilya Surio. Tila nabiyak ang lupa, nahati at nahiwalay sila sa isang mahal sa buhay.
“Ganun na ba kaimposibleng makapiling si ‘Eric’ kahit sa huling sandali?†katanungan ni ‘Haydie’.
Ika-4 ng Nobyembre taong kasalukuyan, nakatanggap ng tawag ang kapatid ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh na si Eric Surio mula sa katrabaho nitong si “Bernieâ€.
“Kapatid po ba kayo ni Eric. Nakita ko po kasi ang cellphone number niyo sa cellphone niya,†tanong ni Bernie.
Kinamusta ng kapatid na si Esther Surio si Eric. Nagulat na siya sa mga sumunod na narinig. “Hindi po ba nakarating sa inyo? Dalawang buwan na halos nasa ‘freezer’ sa morgue ng ospital si Eric,†wika nito.
Nagsadya sa aming tanggapan si Esther at Haydie—asawa ni Eric. Inilalapit nila ang pagpapauwi ng bangkay ni Eric na dalawang buwan ng nakalagak sa morgue ng isang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Namatay si Eric sa sunog na naganap sa isang gusali sa Riyadh nung ika-01 ng Setyembre 2013.
Tubong Admiral, Las Pinas si Eric. Mula ng magkakilala sila ni Haydie—taong 1998, nagtatrabaho na siya sa Saudi bilang auto-mechanic.
Dalawa ang naging anak nila nasa edad 12 anyos at pitong taon.
“Kada uuwi siya nabubuntis ako. Wala naman siya kapag manganganak na ko. Sanay na ako sa uri ng trabaho ni Eric,†sabi ni Haydie.
Maayos ang naging relasyon ng mag-asawang Surio. Buwan-buwang tumatawag at nagpapadala ng pera si Eric na hindi bababa sa halagang Php18,000.
Taong 2006, buntis sa bunso si Haydie ng bumalik ng Riyadh si Eric.
“Ang usapan namin ito na huling alis niya. Magtatayo na lang daw siya ng talyer sa Pinas…†kwento ng misis.
Nang makapanganak na umuwi ng probinsya, sa Bicol si Haydie. Nagpatuloy ang pagpapadala ni Eric hanggang maputol ito nung taong 2007.
“Inisip ko nag-iipon na siya ng pambili ng mga makina,†ani Haydie.
Dumaan ang ilang buwan at taon naging pagbugso-bugso ang padala ni Eric.
Limang libong piso ang pinakamababa at Php40,000 ang pinakamataas na bigay.
Sa loob ng pitong taon, ayon kay Haydie nasa labing dawalang beses lang nagbigay sa kanya ang asawa. Dito na siya nagsimulang magduda.
“Kinausap ko ang pinakamalapit niyang kapatid, si Ate Evelyn. Sabi ko kung may babae na ba siya? Wala naman daw,†ayon kay Haydie.
Hindi nila mapagtanto kung bakit pasulpot-sulpot lang ang mga tawag ni Eric. Hangga’t isang araw, nabanggit ni Eric na namomroblema siya dahil hinahabol siya ng isang katrabaho sa Riyadh.
“Pinataya daw siya sa lottery. Lumabas yung mga numero. Kaso hindi niya napasok. Ngayon pinapabayaran sa kanya ang jackpot prize na dapat sana mapapanalunan ng kasamahan niya,†kwento ni Haydie.
Umutang rin ng pera itong si Eric sa kapatid na si Evelyn na nasa Germany subalit ‘di napahiram. Mula nun naputol na ang komunikasyon nila kay Eric.
Naisip nilang kinasuhan si Eric at nakulong kaya’t minsan na lang ito magsustento sa kanila subalit pilit pinapaniwala ni Haydie ang sarili na baka gipit lang ang asawa.
Ika-4 ng Nobyembre 2013, tumawag na lang sa cellphone ni Esther si Bernie, isang Pinoy Worker sa Al Rawabi Center kung saan nagtatrabaho ang kapatid.Masaya pang kinamusta ni Esther si Eric subalit kinilabutan siya ng sabihin nitong kasama si Eric sa namatay na nasunog na gusali nila.
“Paano niyo nalamang si Eric yun?†tanong ni Esther.
“Kabilang kwarto ko lang po ang kwarto ni Eric. Nakuha pa po namin ang cellphone niya kaya’t kinontak ko kayo,†sabi ni Bernie.
Kwento daw ni Bernie, nasulasok sa usok (asphyxia by suffocation) si Eric at ‘di na nakalabas. Hindi naman daw naabo ang kapatid.
Mabilis na tumawag ang pamilya ni Esther sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh para alamin ang mga dapat gawin. Sinabihan silang kumuha ng Acceptance mula sa ating Department of Foreign Affairs (DFA) para maiuwi na ang bangkay. Ilang linggo na wala pa rin silang balita kaya’t nagsadya sila sa amin.
Maliban dito galing na rin sila sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) kaugnay sa ‘death claims’ na maari nilang makuha subalit sinabi daw sa kanilang taong 2006 pa huling nagpamiyembro itong si Eric mula nun ‘di na ito nagpatala sa OUMWA kaya’t wala na silang matatanggap.
Itinampok namin si Haydie at Esther sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
Kinapanayam sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Deparment of Foreign Affairs (DFA). Pinaliwanag ni Usec. na kaya natagalan ang pagpapauwi sa labi ni Eric dahil sa mga kasong tulad nito na hindi ‘Death by Natural Causes’. Nagkaroon ng sunog, ito’y idadaan sa imbestigasyon “Forensic Investigation†dahil ito’y maituturing na Medico Legal Case. Titiyaking hindi sinadya ang sunog (arson).
Bilang agarang aksyon, pina-‘email’ ni Usec. Seguis ang lahat ng impormasyong may kinalaman kay Eric para ito’y kanyang maiparating kay Ambassador Ezzedin Tago, ng Riyadh.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, dahil ayon na rin kay Haydie hindi na miyembro sa OUMWA si Eric, malamang wala ngang makuhang benipisyo mula dito ang mister. Dito na papasok ang ‘civil liability’ ng kanyang employer (kung ang pinangyarihan ng sunog ay barracks nga nila) ito ang bagay na dapat nilang alamin. Pinaliwanag namin kay Haydie na hindi talaga basta mapapauwi ang bangkay ni Eric dahil ito’y iimbestigahan pa para matiyak na walang ‘foul play’ at ito’y hindi isang ‘Arson case’ na mauuwi sa Murder.
Hindi tinigilan ng aming ‘staff’ ang pagtawag sa DFA at napag-alaman namin na pinauwi na ang bangkay ni Eric ilang araw pa lang ang nakararaan. Ang nagsabi sa amin ay si 3rd Secretary & Vice-Consul Winston Dean S. Almeda ng Philippine Embassy, Riyadh.
Para kumpirmahin tinawagan namin si Haydie at sinabi sa amin na nung Biyernes, Nov. 22, nakapiling na nila si Eric.
“Maraming maraming salamat po sa tulong ninyo at ng DFA. Hindi man maibabalik ang buhay ng aking asawa, naibsan ang aming dalamhati dahil kapiling namin siya at mabibigyan ng tamang libing’, ani Haydie.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA ng KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th flr CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest