NAGTAGUMPAY si David sa kanyang pagtatanggol laban sa mga kaaway ng kanilang bayan. Kaya ginantimpalaan siya at binuhusan ng langis ang kanyang ulo at kinilalang Hari ng Israel. Kaya inawit niya sa kanyang Salmo: “Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Diyosâ€.
Ngayon ang kapistahan ni Hesus, Kristong Hari ng sanlibutan. Maging sa sulat ni Pablo sa mga taga Colosas ay ipinahayag niya: “Magpasalamat kayo sa Ama sapagkat minarapat tayong ibilang sa mga hinirang ng magmamana ng kaharian ng kaliwanagan; iniligtas tayo sa kapangyarihan ng kadiliman.†Si Hesus ang Ulo ng Simbahan ayon sa kanyang kapangyarihang espiritwal. Sa pamamagitan ng pagkamatay Niya sa Krus ay pinagkasundo ang Diyos at lahat ng nilikha sa langit at sa lupa. Kaya dito natin lubos na mimithiin na mapasama sa kaharian ni Hesus.
Sa pagkakapako Niya sa Krus na tanda ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay tinuya at nilibak si Hesus ng isa ring nakapako, subalit ipinagtanggol siya ng isa pang nakapako: “Ang taong ito’y walang ginawang masama.†Sinabi niya kay Hesus, “Alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.†Sagot ni Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ngayon di’y isasama kita sa paraiso.â€
Sa Kanyang pagkakatawang-tao ay hindi Niya ipinakita ang kanyang pagka-Diyos at pagka-Hari manapa’y ipinamalas Niya sa atin ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus upang mabayaran ang kasalanan ng sandaigdigan.
Ang unang binigyan ni Hesus ng kabanalan ay ang krus na ginagamit ng mga Romano at Hudyo sa pagpaparusa ng kamatayan. Ito ang naging instrumento ng Diyos upang isabuhay natin na ang pagsasakripisyo ay pawang kabanalan at kalinisan ng buhay. Ngayon ang krus ni Hesus ang naging sandata natin upang paglabanan ang lahat ng tukso, kasamaan at kasalanan. Ito ang sagisag nating mga mananampalataya sa simbahan na itinatag ni Hesus kay Pedro, ang bato na hindi mawawasak kahit kailan!
Kaya sa ulunan ng Krus ni Hesus ay ipinalagay ni Pilato ang INRI (Iesus NazaÂrenus Rex Iudeurum) ibig sabihin si Hesus na taga Nazaret ay hari ng mga Judeo.
2Samuel5:1-3; Salmo 122; Colosas 1:12-20 at Lk 23:35-43