Mga kasinungalingang bintang kay Jinggoy

ANG pamilya Estrada ay naninindigan na mapatutunayan ni Senador Jinggoy na pawang mga kasinungalingan lang ang mga ibinibintang laban sa kanya kaugnay ng isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

 Ayon kay Jinggoy, “It’s all pure hearsay. Inuulit-ulit na naman yung nakasaad sa affidavit ng whistleblower. I am not guilty. I have done nothing wrong. I did not steal a single centavo sa ating mga kababayan.”

 Maging ang ginawa niyang pagbiyahe sa Amerika upang ikunsulta ang medical condition ng kanyang maybahay na si Precy ay hinaluan pa ng malisya ng kanyang mga kritiko.

 Pero aniya, “I was born in the Philippines. I was raised in the Philippines. I will die in the Philippines. In due time, I will prove my critics are wrong.”

 Sa gitna ng mga ito ay laging kadamay at kaagapay ni Jinggoy si Precy, na nagsabing “In my heart, alam naman namin, laluna ng mga anak ko, that he’s not guilty. Because alam ko na mabuting tao ang asawa ko at mara-mi siyang natutulungan.”

 Ang publiko ay may iba’t ibang opinyon sa naturang usapin. May mga nagsasabing kahit walang ebidensiya ay naniniwala sila sa impresyon na may mga pulitiko sa bansa na gumagawa ng kalokohan sa pondo ng bayan.

 Ayon naman sa mas nakararami sa mga kababayan, naniniwala sila sa katapatan ni Jinggoy at dahil nga wala namang konkretong ebidensiya laban sa kanya ay lumalabas na bintang lang at paninira ang pagdawit sa kanya sa isyu.

Nauna nang iginiit ni Jinggoy na ang lahat ng mga para-tang sa kanya ay haharapin niya sa tamang lugar at panahon.

Si Jinggoy at ang buong pamilya Estrada ay kaisa sa paghahanap ng kalinawan hinggil sa mga bintang na ito gayundin sa pagnanais na matapos na ang panibagong pampulitikang paninira na ito upang makausad na nang husto ang Kongreso at mabigyan na ng atensiyon ang mga mas importanteng usapin na nangangailangan ng kagyat na aksyon partikular ang pagsusulong ng lehislasyon at pagtitiyak ng serbisyo-publiko.

Show comments