IBA’T-IBA ang reaksyon ng tao mula sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Merong tumitino at inilalaan ang buhay para sa mga anak, subalit marami d’yan nalilihis ang landas at nakakalimot sa pamilya.
“Kinuha na nila ang parte nila. Hinatian na namin sila ng parte namin. Ngayon pati ba naman yung kakarampot na pagmamay-ari ko gusto pa rin nilang kunin? Hindi naman ata tama yun!â€
Ito ang naging pahayag ni Salvacion Legaspi, 47, taga MaÂlabon, nang magtungo sa aming tanggapan.
Ang mga taong inirereklamo niya ay sina Gladis at Glomar Legaspi, mga anak ng kanyang namayapang asawang si Severino Legaspi sa una nitong kinasama. Madalas raw siyang ipahiya ng mga ito at paalisin sa bahay na tinitirhan kasama ng dalawang anak niya.
Kwento ni Salvacion, mula nung mamatay ang kanyang asawa nung Agosto 30, 2012 madalas na siyang pag-initan ng mga anak-anakan. Madalas pa siyang paalisin sa tinitirhang bahay dahil patatayuan daw nila ito ng apartment.
Ngunit mariing ipinagdiinan ni Salvacion na di siya aalis sa bahay sapagkat dugo’t pawis ang naging puhunan nilang mag-asawa para lang maipatayo ito. Kwento niya, nagtinda raw siya ng bibingka sa mahigit na isang dekada para lang matulungan ang asawang buhayin ang dalawa nitong anak.
“Simula mga bata yan nasa akin na sila. Napakasakit makita na ngahayon halos ipagtabuyan na nila ako,†sambit ni Salvacion.
Labing-apat na taon si Salvacion ng maglayas siya sa kanilang bahay sa Bicol. Anak siya ng magsasaka at laki siya sa hirap. Babaero rin daw ang ama niya kaya’t sinikap niyang magpakalayo-layo sa pamilya.
Namasukan siya bilang katulong sa Malate ngunit dahil bata pa’y hindi rin niya kinaya ang mabibigat na gawain. Hanggang makita siya ng lalakeng nagtratrabaho sa isang bar.
Kinausa p siya nito at inayang magtrabaho bilang receptioÂnist. Dahil mataas ang alok na sahod ay pumayag siya. Ngunit di nagtagal ay umalis rin siya sa pinagtatrabahuhan.
Taong 1987 nang muli siyang magtrabaho sa isang bar sa Monumento. Dito na niya nakilala si Severino na naging customer niya. Ilang beses pa raw nagpabalik-balik si Severino ngunit siya pa rin ang pinipiling makasama nito. Hanggang isang araw, inaya na siya ni Severino na magsama.
Dati pang alam ni Salvacion na may anak na si Severino sa una nitong kinasama ngunit hindi niya alam na may asawa pa pala ito.
“Umalis ako sa bahay nung malaman kong may asawa pa pala siya sa Cavite. Bumalik ako sa mga kababayan ko sa Malate. Pero pinuntahan ako ng asawa niya at pinapili niya si Severino sa aming dalawa. Ako ang pinili ni Severino kaya nagsama ulit kami,†kwento ni Salvacion.
Ngunit nang magsama sila’y unti-unti ring nagbago ang ugali ni Severino. Lagi na raw siya nitong pinagsasalitaan ng masama at pinapahiya sa harap ng marami. Inaalipusta rin daw ang buong pamilya niya. Dahil may anak na rin silang dalawa’y tiniis na lamang ni Salvacion ang masasakit na salita laban sa kanya ng asawa.
Hanggang nagkaroon na rin ng kabit si Severnio nung taong 2007. Hindi na kinaya pa ni Salvacion ang problema kaya’t umalis siya sa bahay kasama ang bunsong anak niya. Namasukan siya bilang katulong sa Valenzuela.
Taong 2011 nang bumalik sina Salvacion at Carlo (di niya tunay na pangalan dahil menor de edad) sa bahay. Nun ay nakasama na rin ni Salvacion ang panganay na anak sa bahay.
Di nagtagal ay namatay si Severino dahil sa sakit. Nang mamatay ang asawa’y nagbago na rind aw ang pakikitungo ng mga anak-anakan niya sa kanya. Lagi na raw siya nito pinagsasalitaan ng masama at nung kelan lang ay binuhusan pa siya ng tubig ni Gladis.
Dahil raw panggugulo ng mga anak-anakan ay natigil si Carlo sa pag-aaral. Dito na siya nagdesisyong lumapit sa aming tanggapan upang humingi ng tulong.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-BiÂyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Salvacion Legaspi.
Para sa patas na pamamahayag, minarapat naming tawagan ang inirereklamong si Gladis Legaspi habang kami ay ON-AIR.
Hindi nito itinangging binuhusan niya ng tubig si Salvacion ngunit nagawa lang daw niya ito sa galit dahil lagi siyang tsini-tsismis ni Salvacion sa mga kapit-bahay.
Nilinaw rin niyang kaya niya pinapaalis sila Salvacion sa bahay dahil hiningan raw niya si Severino ng 260, 000 PHP kapalit ng bahay na iyon.
Nalulong raw si Salvacion sa droga nung mga panahong iyon at may kinasama nang ibang lalake. Dahil ayaw ni Severino ng gulo’y ibinigay na niya sa dating asawa ang hinihinging halaga.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES… Malalim pala ang sugat na pinag-ugatan ng sigalot sa pamilya nila Salvacion. Pinayuhan namin si Salvacion na makipag-usap muna ng maayos sa mga anak-anakan. Kung kaya pang idaan sa maayos na paraan mas mabuti para sa kanilang pamilya.
Tila maayos kasing kausap si Gladis nung tawagan namin. Nangako rin itong hindi na guguluhin pa si Salvacion. Sinabihan naming si Salvacion na bumalik nalang ulit kung nasundan pa ang panggugulo sa kanila ng mga anak ng dating asawa. Patahimikin mo naman sila sa ngalan ng ala-ala ng iyong asawa. (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa tocal13@yahoo.com
SA PUNTONG ito nais namin muling ipaabot ang pakikiramay sa pamilya ni G. Pedro Acuna. Siya ay pianagbabaril ng labing anim na beses ng mga ‘gun-for-hire’ gamit ang isang motorsiklo (riding in tandem)
Mga basyo ng kalibre .9mm pistol ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen at magpahanggang ngayon wala pa rin nakikitang matibay na motibo ang mga pulis. Si G. Acuna ay isang Realty Broker at kalalabas p lamang ng kanilang subdibisyon na naglalakad lamang dahil wala naman siyang kilalang kaaway.
Si G. Pedro ay ama ng kasama namin sa programa sa radyo ‘Pari Ko’ tuwing alas nuwebe y media hanggang alas diyes y media ng gabi sa DWIZ 882khz tuwing linggo.
Si Rev. Raymund ‘Lucky’ Acuna kung tawagin siya ay isang napakabait na tao at nung kelang lamang na ordinahan siya sa Tarlak,
Sana ang Hepe ng Calamba ay doblehin ang paglutas ng kasong ito para hindi naman sabihin na natutulog kayo sa pansitan at walang ginagawa.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038