^

PSN Opinyon

Si PNP Insp. Derick Bajenting Dura at mga tauhan nito

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LABIS ang pasasalamat ni Miguel Go Belmonte, ang a­ming butihing President at CEO kay Police Inspector DERICK BAJENTING DURA ng Kiblawan,Davao del Sur.

Bakit?

Ibinida ni MGB sa mga kuwago ng ORA MISMO, si Dura, na Officer-in-Charge ng 4th Regional Public Safety Maneuver Company sa Sitio Lawis, Catagbagcan Norte, Loon, Bohol at alumnus ng PNPA MASALIGAN CLASS of 2O11 ay 23 years old lamang ang batang police pero hitik na sa pagtulong sa kapwa.

Nagpunta kasi sa Loon, Bohol ang grupo ng Operation Damayan ng STAR Group of Publication sa pangunguna ni Migs last Saturday  (Oct. 26), para mamahagi ng relief o­perations sa may 3,000 benepisyaryo ng relief packs, si Dura, sampu ng kanyang mababait na mga tauhan, ang  tumulong at nag-escort para maihatid ng tropa ang relief goods mula sa pier hanggang sa distribution site sa Loon, Bohol.

Ayon kay Miguel sa mga kuwago ng ORA MISMO, bata pa lang ay nahubog na si Dura sa totoong serbisyo publiko, isang katangiang likas sa kanya.

Sabi nga, ito ang totoong pulis hindi malatuba!

Kaya naman natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa ikinuento ni Miguel sa Chief Kuwago dahil itong ganitong klase ng mga pulis ang magpapa-angat ng imahe ng buong institution.

Sabi nga, sa hirap at ginhawa walang sawa sa pagtulong sa kapwa !

Ipinagmamalaki naman si Dura at mga tauhan niya, CPNP Allan Purisima, Sir at SILG Mar Roxas, Your Honor !

Si Miguel G. Belmonte at ang Operation Damayan ng Star Group of Publications

NAANTIG ang puso ng grupo ng  Operation Damayan at ni Migs Belmonte ng makita nila ang mga biktima ng killer quake ng magtungo sila sa  Loon, Bohol last Saturday.

Nakita ng personal ng tropa ng Operation Damayan ang sinapit ng madlang people sa Loon at ang mga nasirang ari-arian.

Grabe as in grabe, kaya naman halos mapa-iyak ang mga ito habang nagbibigay ng dala nilang mga donasyon dahil awang-awa sila sa sinapit ng  makita nila ang nangyari sa mga biktima, mga pamilyang namatayan at mga sugatan.

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kuento ng tropa sa atin dahil personal na pinangangasiwaan at inaabot din ni Migs ang relief goods na dala nila kaya naman tuwang - tuwa ang may 3,000 madlang Boholano na nakatanggap ng goodies.

Sabi nga, Happy sila!

Ayon sa kuento ng tropa ng Damayan halos  maiyak sina Miguel at mga kasamahan sa Star Group of Publications ng salubungin sila ng madlang people doon dahil hindi nila maubos maisip ang sinapit ng mga tagaroon mapabata o matanda man dahil isa lang ang halos nasabi ng mga ito sa grupo ...... ‘tulungan sila at salamat !.’

Sa pakikipagtulungan ng Star Group of Publications at mga police sa pangunguna ni Dura ay maayos nilang naipamahagi ang mga dala nilang donasyon na makakatulong ng malaki kahit paano sa mga biktima ng killer quake.

ALLAN PURISIMA

AYON

BOHOL

CATAGBAGCAN NORTE

MIGUEL

OPERATION DAMAYAN

SABI

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with