^

PSN Opinyon

Taxi Passenger Bill of Rights

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang mga pambibiktimang ginagawa ng mga sindikatong nagroronda gamit ang taxi. Araw-araw, ay may nabibiktimang pasahero partikular sa Metro Manila.

Hindi pa rito kasama ang mga insidenteng hindi na-irereport sa mga awtoridad na ibinabaon na lang sa limot ng mga biktima. Isang masakit na katotohanan na hindi ito masolusyunan ng mga alagad ng batas.

Karamihan sa mga nabibiktima ay kababaihang nag-iisa at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili sa mga masasamang-loob.

Dito sa Metro Manila, gasgas na ang ganitong hokus-pokus. Subalit, sa kabila ng babala ng mga awtoridad nakakalusot pa rin ang mga sindikato at maraming nabibiktima.

Nitong mga nakaraang araw, inihain sa Senado ang Taxi Passenger Bill of Rights. Layunin nito na protektahan ang mga cab rider mula sa kriminal at mabigyan ng patas na pagtrato mula sa taxi operator hanggang sa mga driver.

Sana, seryosohin ng mga kinauukulan ang pagsa-sabatas ng nasabing bill upang mabura na ang negatibong persepsyon ng publiko sa mga namamasadang taxi. Kaakibat rin nito ang pagbaba kung hindi man tuluyang mabura, ang aktibidades ng mga sindikatong nagpa-panggap na driver.

Patuloy na nagbababala ang BITAG sa mga taxi rider lalo na ngayong “ber” months,  laging maging alerto sa kapaligiran. Maging paladuda sa lahat ng pagkakataon partikular    sa mga estrangherong nag-aalok ng kanilang serbisyo!

* * *

Sa iba pang anti-crime tips ngayong “ber” months, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.

Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops-Ride   Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com

ARAW

BITAG LIVE

COPS-RIDE

DITO

ISANG

KAAKIBAT

METRO MANILA

TAXI PASSENGER BILL OF RIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with