NAKALULUNGKOT na ang malakas na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon noong July 16, 1990 ay naulit at ang naging biktima ngayon ay ang mga kababayan natin sa Kabisayaan lalu na sa Cebu at Bohol.
Isa akong reporter noon na nagko-cover sa Malacañang. Kasama ang iba pang mamamahayag sa ilalim ng isang gazebo sa harapan ng tanggapan ni Presidente Cory Aquino, matiyaga kaming naghihintay sa resulta ng cabinet meeting noon.
Ang gazebo ay isang pabilog na waiting shed na doo’y lumalagi ang mga reporter na nagko-cover ng Malacañang sa tuwing mayroong aktibidad sa Palasyo ang Presidente.
Matapos ang mga gawain ng Pangulo at ibang opisyal ng pamahalaan, nakaabang na ang mga reporter para sa tinatawag naming “ambush interview†sa mga opisyales na papalabas ng guesthouse.
Habang naghihintay, nagbibiruan at nagkukuwentuhan ang mga reporters. May isang lady reporter na nakikipagpalitan pa ng green jokes sa mga kasamahan namin. Ako naman, para matanggal ang inip ay kumakanta ng awitin ni Garry Lee Lewis na Great Balls of Fire na ang lyrics ay ganito: “You shake my nerve and you rattle my brain…â€
Parang pinagtiyap na bigla ngang nag-shake ang lupa nang pababa pataas. Nabigla kaming lahat pero ako’y nagdasal na lang at nang-“Praise the Lord.†Akalain mo na yung lady reporter na kanina’y nakikipagpalitan ng mga berdeng jokes ay kumapit sa akin at naki-“Praise the Lordâ€!
Napakalawak ng niyugyog ng lindol. Nagbagsakan ang ilang gusali sa Nueva Ecija at sa siyudad ng bagyo at napakaraming namatay. Nang pumanatag na ang lahat, lumabas si Presidente Cory na napapalibutan ng kanyang mga security men.
Nang madaanan kaming mga reporter na naghihintay, ngumiti siya at sinabing “that was an earth shaking experience.†Marami ang bumatikos sa Pangulo sa kanyang pagbibiro sa panahong sinalanta ng isang teribleng kalamidad ang bansa.
Ngunit kung tutuusin, yun naman talaga ang lindol: Earthshaking. Niyuyugyog hindi lamang ang lupa kundi pati ang mga taong naliliko ng landas para magising, magsisi at magbalik loob sa Diyos. Ang pangyayari sa Visayas ay mayroon ding mensaheng hatid para sa bawat Pilipino lal0 pa’t ito’y nangyari sa panahon ng pagkakalantad ng sari-saring anomalya sa pamahalaan, pati na ang kamakailan ay giyera ng mga separatist group na MNLF sa Zamboanga. Kaso tila masarap ang tulog natin at mahirap magising.