^

PSN Opinyon

SSS makonsensya naman sana kayo

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG korporasyon man ang Social Security System (SSS), ito ay isang korporasyon ng pamahalaan at ang mga pangunahing stakeholders ay ang mga empleyadong kasapi sa ahensya na naghuhulog ng monthly contributions.

Matiyagang naghuhulog ang mga private workers  dahil pagnegretiro sila, may aasahan silang pension.

Malaking kalokohan na ikatuwirang “legal at moral” ang pagbibigay ng tig-isang milyong pisong bonus sa bawat board member ng ahensya porke hindi raw nagmula sa salapi ng mga miyembro ang ipinamudmod na kuwestyonableng bonus. Nagmula daw ito sa kinita ng SSS.

O sige, ipagpalagay na nating kumita ang SSS. Pero saan ba galing ang puhunan nito? Hindi ba mula sa kontribusyon ng mga members na inilagak marahil sa investment kaya kumita?

Kung magkagayon, hindi tamang sabihing hindi kuwarta ng mga miyembro ang kinita ng naturang ahensya.

At lalung walang lohika ang pahayag ng Malacañang na hindi ito puwedeng makialam sa desisyon ng SSS.  Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa naibibigay ang nasabing bonus pero nasa desisyon na ito ng board ng SSS kung itutuloy o hindi.

Sa kapakanan ng  taumbayan, hindi dapat maghugas ng kamay ang Malacañang. Kasi ang ano mang palpak na serbisyo ng alin mang sangay ng pamahalaan, Presidente ng bansa ang tinatamaan. Hindi ba sadyang nakakakulo ng dugo na daragdagan pa raw ng anim na porsyento ang kaltas ng mga SSS members dahil kapos sa pondo ang ahensya, tapos yung mga matataas na opisyal ay bibigyan ng tig-isang milyong pisong bonus? Garapalan na iyan!

Kung totoong hindi pa naibibigay ang bonus, dapat mamagitan ang Malacañang at gumamit kahit ng moralsuation para mabuhayan naman ng konsensya ang mga matataas na opisyal ng SSS.

Mabuti sana kung maganda ang serbisyo nito pero maraming nagrereklamo sa kupad ng pagre-release kahit ng mga ID cards ng mga miyembro.  Isa lang ang masasabi ko sa pamunuan ng SSS. Makonsensya naman sana kayo. ahensya, tapos yung mga matataas na opisyal ay bibigyan ng tig-isang mil-yong pisong bonus? Garapalan na iyan!

Kung totoong hindi pa naibibigay ang bonus, da­pat mamagitan ang Ma­lacañang at gumamit kahit ng moralsuation para mabuhayan naman ng konsensya ang mga matataas na opisyal ng SSS.

Mabuti sana kung ma­ganda ang serbisyo nito pero maraming nagrerek­lamo sa kupad ng pagre-release kahit ng mga ID cards ng mga miyembro.  Isa lang ang masasabi ko sa pamunuan ng SSS. Makonsensya naman sana kayo.

 

vuukle comment

BONUS

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

GARAPALAN

ISA

MALACA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with