^

PSN Opinyon

Magpatingin ng mata, pang-kalidad ng buhay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANGANGAMOTE ba ang inyong anak sa Grade 1, 2, o 3? Lumalala ba ang inyong diabetes? Nangangailangan ba ang inyong trabaho ng mahahabang oras sa ilalim ng araw?

Kung ang sagot ninyo sa anoman sa tatlong tanong ay “oo”, malaki ang posibilidad na may kinalaman sa paningin ang isyu.

Maari na kaya nahuhuli ang bata sa class lessons ay dahil hindi niya mabasa ang nakasulat sa blackboard. Musmos pa siya para malaman ang tungkol sa paglabo ng mata. Baka mahilig siya magbasa sa mahinang ilaw o matagal mag-computer -- kaya nagkaroon ng myopia (nearsightedness). Patignan ninyo ang mata ng bata sa espesyalistang ophthalmologist. Kung kailangan niyang magsalamin, malalaman agad kung ang eksaktong grado. Makakahabol na siya sa class lessons.

Kung malala ang inyong diabetes, malamang na maapektuhan ang inyong vision. Magpa-refer sa inyong diabetologist sa isang ophthalmologist. Kailangan malaman kung gaano kalala ang pagkasira ng vision -- para agad malunasan.

Kung kayo’y coast guard o mangingisda, pulis o magsasaka na matagal nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw, malapit kayo sa sakit na pterydium. Mamumula ang puti ng mata at may batik-batik na dilaw o brown, makati at parang may malaking puwing. Magagamot agad ito kung ma-diagnose ng ophthalmologist.

Sa elementary school tinuruan tayo mag-alaga ng ngipin, magsipilyo matapos kumain, at magpatingin sa dentista bawat taon. Hindi tayo naturuang mag-alaga ng mata. Maraming sakit sa mata na nakakalabo ng pangingin o nakakabulag -- nakakasira sa kalidad ng buhay. Magpa-check agad, dahil 75% naman ng sakit ay nagagamot.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

INYONG

KAILANGAN

KUNG

LUMALALA

MAARI

MAGAGAMOT

MAGPA

MAKAKAHABOL

MAKINIG

MAMUMULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with