^

PSN Opinyon

Wala na tayong magagawa kundi maghintay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY humarap na sa media mula sa contractor na gumawa ng 12 kilometrong kalsada sa Bgy. Mataas na Kahoy, Batangas. Ayon sa kinatawan ng kompanya, ang kanilang trabaho ay tinapos nila, at dumaan lahat sa tamang proseso. Paliwanag niya, bundok ang lugar kaya malaking trabaho ang gumawa ng kalsada sa nasabing lugar. Base sa kanyang mga paliwanag, tila kulang pa pala ang P100 milyon para maging maayos ang kalsada. Parang hanggang doon lamang ang kanilang kontrata, ang magagawa ng P100 milyon, kaya iniwang ganun na lang ang kalsada. Kalsadang putik. Ewan ko, pero sapat na ba ang kanyang paliwanag?

Wala na tayong magagawa kundi hintayin ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng DPWH sa nasabing proyekto, at iba pang mga proyekto, tunay man o hindi. Pero sa mga karagdagang impormasyon mula sa Commission on Audit, P100 bilyon ang inilabas ng Kongreso para sa mga proyektong imprastraktura noong 2007 hanggang 2009, pero P50 bilyon lamang ang kailangan ng DPWH. Halos P20 bilyon ang inilaan para sa mga proyektong imprastraktura sa rehiyong IV-A kung saan kasapi ang Bgy. Mataas na Kahoy sa Batangas. At higit P4 bilyon halaga ng mga proyekto ang napunta sa kontraktor na gumawa ng kalsada sa Bgy. Mataas na Kahoy, mula 2002 hanggang 2010. Nasaan ang P50 bilyong halaga ng mga proyekto?

Pahayag naman ng kinatawan ay lahat naman daw ay dumaan sa tamang proseso. Tamang proseso ayon kanino? Tamang proseso rin yata dumaan ang PNP helicopter scandal, hindi ba? Tamang proseso rin dumaan ang mga anomalya kung saan sangkot sina dating heneral Garcia at Ligot, hindi ba? Tamang proseso rin dumaan ang perang pabaon ng Euro Generals, hindi ba?

Kapuna-puna na lahat ito ay naganap sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Sino ang mambabatas na gumawa ng insertion para sa mga proyektong ito at sa Palasyo raw nagmula ang pondo para sa mga congressional in­sertions? Kailangang maging mabilis ang imbestigasyon, dahil tatlong taon na lang ang natitira sa administrasyon ni President Aquino. Baka matabunan na lang sa limot kung saka-sakali, hindi ba? Ibang klase talaga ang mga nasisiwalat mula sa nakaraang administrasyon.

AYON

BATANGAS

BGY

EURO GENERALS

KAHOY

MATAAS

PRESIDENT AQUINO

TAMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with