Sex trade modus sa mga resort
HINDI garantiya ang magandang mukha, makinis na balat at makurbang katawan na lumalapit at kumakausap sa inyo sa mga beach resort! Posibleng maakit kayo ng karisma ng mga paimbabaw na “prosti†sa kanilang malalambing na mga boladas at mabiktima.
Sila ‘yung mga nag-aalok ng sex tra de sa mga turista at bakasyunista.
Makikipagkuwentuhan sila sa target. Aaliwin at kukunin muna ang loob saka yayakaging makipag-inuman.
Akala ng ilan, naka-jackpot sila sa maganda o guwapong kausap. Hindi nila alam unti-unti na silang nahuhulog sa mga dorobo! Kapag lasing na at wala nang malay-tao ang biktima, malaya nang maisasagawa ng mga kawatan ang kanilang modus. Lilimasin ang maaari nilang pakinabangan.
Ngayong “ber†months season, dagsaan na naman ang mga turista at bakasyunista sa beach resort. Siguradong nakaabang na ang mga sindikato at abala sa paghahanap ng mabibiktima.
Hindi na bago ang ganitong hokus-pokus! Paulit-ulit na itong ipinaaalala ng mga awtoridad at BITAG sa publiko pero marami pa rin ang nakakalimot at nabibiktima ng sindikato!
Babala ng BITAG sa mga magbabakasyon sa mga beach resortt huwag agad magtitiwala sa mga estrang-herong nag-aalok ng kung anu-anong serbisyo! Umiwas sa anumang kapusukan at maka-mundong interes.
Estratehiya ng mga kriminal na magpanggap para maisagawa ang kanilang balak! Naghihintay lang sila ng oportunidad para makapambiktima. Mag-ingat!
* * *
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Abangan ang iba pang anti-crime tips. Mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.
- Latest