‘Lampas sa orasan (?)’
ANG pagiging malaking bulas ni ‘Aldrin’ ang naging dahilan daw para maiwan sa loob ng preso ng ilang linggo.
“Kinailangan ko pang hanapin ang birth certificate ng anak ko at ipakita sa mga pulis… walang maniwalang dise siete pa lang siya,†wika ng inang si ‘Tere’.
Nagbalik sa aming tanggapan si Ma. Fe Theresa Francia o “Tere†ng Bambang, Pasig City. Nobyembre 13, 2012 unang nagpunta sa amin si Tere para sa kasong “Theft†na kinasangkutan ng anak niyang si Aldrin na noo’y 17 taong gulang pa lang (21 anyos na ngayon).
Sa isang pagbabalik tanaw, inereklamo si Aldrin at kaibigan nitong si James, menor de edad din ng mangyari ang umano’y pagnanakaw.
Relong Seiko 5 (gold plated) ang kinuha daw ng kaibigan sa bahay ni Josefina Rentoria---tiyahin ni James, taga Taytay, Rizal.
Ika-6 ng Mayo 2010, 10:00 pasado ng gabi habang nakatambay ang dalawa sa tapat ng bahay ni Aldrin, dumating na lang bigla si PO2 Winter Jose, isang Pulis-Pasig, ‘step father’ umano ni James. Dinampot ang dalawa at dinala sa Taytay Police Station.
Napag-alaman ni Tere na mismong araw na makulong ang dalawa, nanghingi ng tulong si Josefina kay PO2 Jose para mahuli sina Aldrin matapos manakbo palabas ng kanyang bahay dala raw ang kanyang relo.
Alas dos y’ medya ng hapon, habang siya’y nagluluto dumaÂting ang pamangkin niyang si James kasama si Adrin, dumiretso sa ‘refrigerator’… uminom ng tubig. Napansin na lang niyang lumapit sila sa TV kung saan nakapatong ang relo.
Ilang sandali nakita niya raw na dinampot ng pamangkin ang relo. Sinita niya ito subalit kumaripas sila ng takbo. Hinabol niya... subalit ‘di niya naabutan kaya’t dumiretso siya sa Brgy. Bambang at nanghingi ng tulong sa kapatid na si ‘Evelyn’, ang ina ni James. Dito na raw dumating si PO2 Jose.
Ayon kay PO2 Jose sa kanyang ‘Affidavit of Arrest’, itinuro ng tiyahin ang kanyang pamangkin na kumuha ng nasabing relo. Si Aldrin naman daw ang nagtago. Tinanong niya raw si Aldrin kung nasaan ito? Nahulog ito sa kanyang bulsa at ‘di na niya mahanap, ayon daw kay Aldrin.
Tinuloy ni Josefina ang pagdemanda sa pamangkin at kaibigan nito sa Prosecutor’s Office, Taytay, Rizal.
Nanatili sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Pasig Rescue Center sina Aldrin at James. Isang taon makalipas tumakas itong si James at nagtago na. Inilipat naman si Aldrin sa “Bahay Aruga, Pasig Youth Home†taon 2011.
Buwan ng Nobyembre 2011, ayon kay Tere, naisauli kay Josefina ang relo nito. Nagharap daw si Josefina at anak sa DSWD at nagkapatawaran na umano sa harap mismo ng ‘social worker’ ni Aldrin.
“Wala na nung balak ituloy ni Josefina ang kaso…†ayon kay Tere.
Gustong malaman ni Tere kung sasapat ba ang pagbalik ng relo ng anak kay Josefina para makalabas siya sa DSWD kaya’t nagsadya siya sa amin.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, kinuha namin ang panig ni Josefina. Ika-3 ng Desyembre 2012, nagsadya siya sa’ming tanggapan. Paliwanag ni Josefina, hindi niya basta maiaatras ang kaso laban sa pamangkin dahil naulit daw ang pagnanakaw nito… ‘rice cooker’ naman umano. Hindi naman daw para habulin pa niya si Aldrin. Wala na rin daw siyang balak pumunta sa mga pagdinig.
Nung una pa lang pinaliwanag na namin kina Tere at Josefina na ang gagawing ‘di pagsipot ng ‘complainant’ ay ‘di nangangahulugang madi-‘dismiss’ na ang kaso. Hindi rin siya pwedeng basta magsumite na lang ng ‘affidavit of recantation’. Sinabi naming sa isang malawakang paglilitis kailangan niyang umupong muli sa Korte at dun gawin ang pagbawi ng kanyang naaunang salaysay.
Ika-18 ng Setyembre 2012 nagbalik sa aming tanggapan si Tere. Ibinalita niyang nakalabas na ng DSWD ang anak na si Aldrin. Ito’y matapos nilang magpiyansa ng halagang Php10,000 nung Mayo 2, 2013 sa RTC-Antipolo, Branch 74 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagdinig ng kasong ‘Theft’ laban kay Aldrin sa korte.
Nitong huli, Marso 19, 2013 nagpasa ng ‘Feedback Report’ ang ‘social worker’ na humawak kay Aldrin si Ma. Socorro Jalmasco, RSW Center Head, Bahay Aruga-Pasig Youth Home.
Nakasaad sa ‘report’ na pumasok si Aldrin sa Alternative Learning System (ALS) mula Oktubre 2010 subalit hindi nakapasa sa entrance exam. Muli siyang kumuha ng entrance exam sa ALS at kasalukuyang hinihintay ang resulta.
Sumali din siya sa Basic Computer Literacy Program ni Mayor Bobby Eusebio para maging bihasa sa paggamit ng computer.
Naging aktibo rin daw si Aldrin sa loob ng center at naging maÂbuting halimbawa sa mga kasama. Hanga rin daw ang mga House Parents kay Aldrin sa pagiging magaling na lider nito. Siya rin ang pinili na makasali sa Resilience Program (REPRO), pinangangasiwaan ng Ateneo University. Nung ‘graduation’, ika-20 ng Enero 2013, rumanggo ng 2nd Place si Aldrin sa kanyang ‘batch’. Nakisali rin siya sa cash for work, NCR nung Hulyo at Disyembre 2012.
Kasalukuyang nag-aaral tuwing Miyerkules sa ‘Open High School’- Sta. Lucia High School si Aldrin. Nasa ika-‘third year’ na siya.
Kapag walang pasok, isa naman siyang Alimak Operator (elevator man sa construction site) sa Manhattan Heights Project ng Moondragon Construction Corp. mula Hunyo 26, 2013 hanggang kasalukyan.
Katanungan ng ina niyang si Tere, hindi pa ba sapat ang magandang pagbabagong nangyari sa kanyang anak para ma-dismiss ang kaso?
Itinampok namin si Tere sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahatâ€DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sinabi namin kay Tere na may sarili ng buhay ang kasong sinampa laban kay Aldrin at ang Judge magdedesisyon. Dahil menor de edad itong si Aldrin ng mangyari ang krimen… siya ay tinatawag na Children-In-Conflict with the Law (CICL) papasok ang batas na Juvenile Justice Welfare Law (RA No. 9344). Titignan kung nang gawin ba ni Aldrin ng krimen alam niya ang kanyang inasta (acted with discernment).
Dito titimbangin ng Hukom kung karapatdapat na bang pawalan ng permanente sa lipunan si Aldrin dahil nagbago na siya’t isa na siyang kapaki-pakinabang na mamamayan. Sa haba ng kanyang inilagi sa DSWD at ang kaso niya ay simpleng “Theftâ€, kukunsiÂderahin din ng hukom ito at baka naman ibalik na siyang tuluyan sa kanyang tahanan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166 (Dahlia), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique). Tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest