NANG pahagingan ni President Aquino ang namumuno sa Bureau of Immigration dahil sa pagtakas ng mga drug traffickers na Koreano at nang magkapatid na Reyes ng Palawan na akusado sa pagpatay sa isang journalist, agad nagbitiw si BID commissioner Ricardo David. Ipinakita niya na mayroon siyang ‘‘delikadesa’’.
Nang pahagingan din ni P-Noy ang National Bureau of Investigations (NBI) kaugnay sa pork barrel scam na minaniobra ni Janet Lim Napoles, agad nagbitiw sa puwesto si NBI Director Nonnatus Rojas. Sinabi ni P-Noy na wala siyang tiwala sa NBI kaya sa Philippine National Police (PNP) niya ipinaubaya ang kustodiya ni Napoles makaraang sumuko sa kanya. Hindi na napigilan si Rojas. Mayroon siyang panininindigan. Ipinakita niyang mayroon siyang “delikadesaâ€.
Kakaunti na lang ang katulad nina David at Rojas na nalalaman pa ang kahulugan ng “delikadesaâ€. Mayroon ngang Cabinet member na harap-harapang sinabihan ni P-Noy na “saan kumukuha ng kapal ng mukha†ang hanggang ngayo’y nasa puwesto pa rin at kapit-tuko sa puwesto.
Wala na ring nakikitang “delikadesa†sa mga mambabatas na sinampahan ng plunder kaugnay sa paglustay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel. Tatlong senador ang sinampahan ng kaso. Pero tila balewala lang sa kanila ang isyu. Nanatili pa rin sila sa puwesto at walang hiwatig na magbabakasyon muna. Wala nang ‘‘delikadesa’’?
Kahit ang mga kasamahang senador ay pinayuhan na silang magbakasyon muna habang ginagawa ang trial ay tila wala naman silang pakialam. May mga senador na pabor silang suspendihin habang ginagawa ang paglilitis. Pero sabi ng mga naakusahan, ipagtatanggol nila ang sarili. Patutunayan daw nila na wala silang ginagawang kasalanan.
Wala na nga siguro silang ‘‘delikadesa’’.