^

PSN Opinyon

Pulbusin na ang MNLF!

DEAR EDITOR - Nick A. de Guzman - Pilipino Star Ngayon

Ang mga kaganapan sa Zamboanga City ay kailangan na ang “total military solution”.  Hindi na uubra ang usapan niyan.   Do or die na ang tropa ng MNLF.  Wala na silang ginawa kundi magsunog ng kabahayan at komunidad, maghostage-taking ng mga sibilyan at bumaril nang bumaril ng mga sundalo at pulis.    Ang mga sibilyan na walang magawa kundi lumikas at mag-ipon-ipon sa isang lugar na inakaala nilang hindi maaabot ng mga bala, ay wala nang makain at mainom. 

Hindi sapat ang ipinamamahaging pagkain at tubig sa mga mamamayan.  Bukod dito ay wala nang komersiyo sa paligid.  Sarado ang lahat ng “business establishment”.  Wala pang kuryente sa buong siyudad.  Talagang kaawa-awa na ang kalagayan ng mga ordinaryong mga mamamayan.  Sila ang nagdurusa sa ginawa ng MNLF.

Para sa akin tuluyan nang pulbusin ng militar ang mga ito.  Nasa militar ang mga equipment na panglupa, pangdagat o panghimpapawid.  Kayang-kaya ito na maisagawa ang agarang solusyon sa problemang ito, ibigay sa kanila ang total na “military solution.”  Kung patatagalin pa ito, papasok na naman ang Human Rights International at tiyak na kakampi sa mga rebelde. —
[email protected] 

 

vuukle comment

BUKOD

KAYANG

SARADO

SILA

TALAGANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with